Left hanging...

 Naranasan mo na bang may magkwento sa iyo ng magandang kwento tapos hindi naman niya natapos? O dili kaya'y isang joke na bitin? Ang sakit sa tiyan no?! Ang hirap kapag ikaw ang nabibitin.

Nagkaroon ka na ba ng relasyon na hindi mo naman alam ang dahilan bakit na lang biglang naglaho na parang bula? As in kayo dati pero all of a sudden, without saying a word, wala na pala kayo?

Hindi naman sa bitter ako sa isang past relationship ko or whatever pero hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa akin ang mga pangyayaring supposed to be, bago kami naghiwalay ay naliwanagan.

I think I moved on na naman kasi the feeling is not there. Kaso my mind is always asking, "What went wrong?" Ano ba talagang nangyari? Even our common friends if they're asking what happened, hindi ko rin masagot kasi they thought it's almost a perfect relationship. Well, akala ko rin.

Sa ngayon, nakadalawa na ako after this ex I am talking about and I am so much inlove with my partner now. Pero iba pa rin kasi ang feeling na there's still an open book in my life that needs to be close. I don't know how or why pero I think I need to talk to my ex. One final talk para magkaroon na ng linaw ang lahat.

There have been many speculations na ako 'yung problema sa naging relationship namin. Umabot pa sa issue ng 'gold digger' then gamitan issue. Yes, I was hurt pero I need to clarify things pa. I know, meron talaga akong mga pagkakamali pero not as big as those issues na nalaman ko from my friends.

I hope sooner ma-end ko na ito. It's hunting me for I don't know reasons. Maybe it's time na!


Like the 'note' on the letter says "I want! I will! I can!" Aja!

Share

0 comments: