AOL Wika 2007 Entry : "Maraming Wika, Matatag na Bansa"

See also this post at PinoyBlogosphere.com
 

Marami na akong napuntahang lugar sa Pilipinas at marami na akong natutunan sa mga pag uugali at mga tradisyon ng mga Pilipino. Bilang isang adventurer, marami na rin akong nasubukan na mga bagay bagay na sa lugar lang na iyon mararanasan o makikita.

Bawat lugar sa Pilipinas ay may mga pagkakaiba. Bawat tao sa mga lugar na ito ay magkakaiba rin. Oo, Pilipino tayo! Marami tayong pinagkakaisahan pero hindi natin maiiwasan ang pagkakaiba sa pagkakaroon natin ng ibat ibang pananaw at paniniwala.

Ang mga lugar sa Pilipinas ay para ring mga wika. Iba't ibang salita at gamit pero may mga pinagkakaparehas. Ang bawat salita ay may katumbas na sa ibang lenguahe.

Hindi mo minsan akalain na ang isang matanda na aking nakasalubong sa bandang Batanggas ay marunong pang magsalita ng espanyol. Mayroon ding marunong mag nihongo. Paano pa kaya ang mga nag aaral ng ibat ibang mga lenguahe? Bukod pa rito, sa bawat rehiyon ng Pilipinas ay may mga sari-sarili pang dialects. Kung tutuusin, mahirap ngang pagkaisahin ang isang bansa kung ganito. Nakakatuwa pero totoo!

Ang Pilipinas ay mayroong 170ng wika at pang-sampu sa pinakamaraming wika sa buong daigdig at itunuturing na mga dialekto lamang.

Kung ang pagkakaroon ng isang wika ay nangangahulugan ng pagkakaisa, ganundin ang pagkakaroon ng multilingual ng isang bansa. Nagpapakita rin kasi na ang bansang matatag ay mayroong mga mamamayang maraming kaalaman. Ang pagkakaroon ng mamamayang sagana sa kaalaman hindi lamang sa isang wika ay nagpapakita lamang ng pagiging bukas sa mga kaalamang nasa ibang lenguahe.

Kung ang isang tao ay nakakaintindi ng ibang salita maliban sa native language niya, open siya sa mga kaalamang nasasalin sa ibang salita.

Naniniwala ako na isa ito sa dahilan kung bakit kahit na ano pa man ang nangyayaring negatibo sa ating bansa ay patuloy pa rin tayong dinarayo ng mga turista mula sa ibang bansa. Syempre dahilan na dito ang mga tanawing dito lang sa bansa matatagpuan at ang tinatawag na "Pinoy hospitality" pero hindi natin mawawala sa isip natin na maaari ring ang pagiging flexible natin at pagkakaroon ng ibang kaalaman at pagsasalita ng ibang lenguahe tulad ng Ingles.

Maaaring ang pagkakaroon ng ibat-ibang wika ay kahinaan ng isang bansa, pero iba ang Pilipinas. Patuloy na nagiging matatag na bansa ang Pilipinas dahil ang kahinaan sa pagkakaroon ng maraming wika ay ginagawa ng mga Pilipinong kalakasan rin. Ang pagkakaroon natin ng kaalaman sa ibang wika ang nagbukas sa mga Pilipino sa mas malawak na mundo. Dahil rin dito ay nagkaroon ng mga makabagong industry tulad na lamang ng call center na nagpabilib sa ibang bansa at nagpakita na ang mga Pinoy ay competitive at kayang makapagsabayan sa ibang bansa.

Ikaw! Oo, ikaw nga! 'Di ba Pinoy ka? Ilabas mo ang tunay mong saloobin sa entry na ito. Kung ikaw ay isang Pilipinong blogista, magcompose lang ng isang blog entry na tulad nito nandito ka man sa Pilipinas o nasa ibang ibayo, ikaw ay maaring lumahok sa paligsahang ito : "Maraming Wika, Matatag na Bansa".

Nailabas mo na ang iyong pananaw at saloobin, maaari ka pang manalo sa mga inihandang papremyo sa iyo ng mga nag-organisa ng patimpalak na ito.

Naririni ang mga pwedeng mapanalunan:
Grand Prize: Php5,000 + 1yr Domain Registration. + 1yr 100mb hosting
Second prize: Php3,000 + 1yr Domain Registration + 1yr 100mb hosting
Third prize: Php1,000 + 1yr Domain Registration + 1yr 100mb hosting
Misteryosa Award (1 yr Domain Reg + 1yr hosting)
plus consolation prizes…


8 comments:

hey! good post! sana manalo ka. kaya lang sasali din ako d2 eh. ehehehe! sana manalo tayo. gagawa pa lang ako ng article ko. sana makaabot sa deadline. good luck!

August 8, 2007 at 3:56 PM comment-delete

goodluck sa inyong dalawa!

August 8, 2007 at 7:27 PM comment-delete

hi lionheart! one last thing for your entry to be official (that is if you have nothing else to add...check your mail), please post this entry sa PBS group blog and add it sa comment page ng wika2007.

after that, we'll put it on our official list!

GOOD LUCK!

-PBS WIKA2007 organizer-

August 9, 2007 at 7:19 AM comment-delete

magaling, magaling, magaling!! :) hanga ako sa yo.. i like ur entry :) mabuhay ka... Pinoy Tayo!

August 15, 2007 at 4:44 PM comment-delete

Ang galing mo talgang writter im really impressed hope i got a rich mind like yours.... More power and good luck.... c",)

August 16, 2007 at 6:44 AM comment-delete

"Patuloy na nagiging matatag na bansa ang Pilipinas dahil ang kahinaan sa pagkakaroon ng maraming wika ay ginagawa ng mga Pilipinong kalakasan rin."

I don't agree. Kung iisipin mo ang realidad, hindi naman talaga ginagawang kalakasan ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng maraming wika. Hanggang ngayon ay hindi pa nila napagtatanto ang potensyal at kagandahan nito. At hangga't di dumarating ang araw na yun, palagay ko'y hindi totoong magkakaisa at magkakaintindihan ang lahat.

August 24, 2007 at 11:31 AM comment-delete

binisita ko lang ang wika2007 entry mo. :-)

Sangayon ako sa sinabi ni Shari na "...hindi naman talaga ginagawang kalakasan ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng maraming wika. Hanggang ngayon ay hindi pa nila napagtatanto ang potensyal at kagandahan nito."

Pero isipin mo na lang kung paanong mapagyayaman ng bentahe natin sa dami ng wika ang ating bansa at lahi. Ngayon kasi, we do get by despite some setbacks especially in the southern part of our country. [sori napa-Ingles ako] Kung sa iba yan, baka sa 20 wika pa lang ay magkawatakwatak na sila. Siguro safe i-assume na inherent na binding force ng ating lahi, ang pagmamahal natin sa bayan dahil sa pamamagitan noon, nabibigkis tayo bilang isang bansa kahit na hindi tayo masyadong nagkaintindihan dala ng pagkakaiba ng wika natin.

Sa puntong iyon, makikita kung gaano tayo katibay dahil hindi nagiging deterent sa ating pagiging isang bayan ang mga pagkakaiba-iba natin.

August 25, 2007 at 9:14 AM comment-delete

Salamat Shari at Tye sa comment...

Hehe :) But its my opinion pa rin.. Hehe :0

Ang gulo.. Basta goodluck na lang sa ating mga nominado.. :)

August 26, 2007 at 1:39 AM comment-delete