
Since last March, noong nagkaroon ng concert sa
Rizal Technological University - Boni Avenue, Mandaluyong City ang Kamikazee at Calla Lily, nagkaroon na ako ng
"PHOBIA" sa Alma Mater ko noong Highschool.
Feeling ko lagi ay mananakawan ako kapag dumadaan ako sa school na ito for the reasons na first time ko lang pong madukutan ng cellphone at pera sa concert ding iyon.
Nalaman ko sa mga friends ko at kapitbahay ko na may concert pala sa RTU ngayon at Bamboo naman. Syempre excited at nagbihis agad ako pagdating sa bahay dahil gusto ko talagang mapanood 'yun.

Nakabihis na ako at malapit na kami sa RTU nang makaramdam ako ng takot na baka mawalan na naman ako ng mahahalagang gamit at pera. At saka mukhang hindi ako mag eenjoy na manood ng concert kasi maiisip ko na naman ang babaeng nagnakaw ng fone at pera ko.
Akalain ba ninyo na halos 1 month kong katext 'yung pesteng babaeng nagnakaw ng phone ko at nagpakilala pang taga-RTU? Kasi naman, may extra load 'yung 100 at unlimited Globe-to-Globe pa 'yun n'ung nanakaw niya. I asked her why niya ninakaw ang phone ko at ang lagi niyang reply, wala raw siyang phone. Grabe naman ang babaeng ito!
Simula noon ay binabawasan ko na ang pagdaan sa Highschool Alma Mater ko sa dahilang maaalala ko lang ang ninakaw kong phone. Minahal ko kasi 'yun ng 2 taon.

Kahit paaano ay nakisilip ako sa labas ng RTU at ito ang aking mga nakita. Marami pa rin namang tao. For sure, marami na namang biktima.

Natawa lang ako sa nakalagay na ito. Ang dami pa ring restrictions pero for sure ay hindi na naman nasusunod dahil sa palakasan.

Ang daming people! Nagpapawis-pawis na dahil sa siksikan...

At dahil doon ay nagkada buhol-buhol ang traffic dito sa Boni. Marami pang nagrereklamo dahil sa halos 20 minutes lang palang nagshow si Bamboo. Mas matagal pa ang ipinila nila at pinaghintay nila. Hindi raw sulit! Okey lang naman 'yan. Libre kasi kaya limited ang time.
15 comments:
Hiayz dami ng tao sa concert ng bamboo kahit sandali lang to.... ehehehe... sana andito kayo at nakasama....
medyo malapit lang ako sa RTU pero hindi pa ako nakakapasok sa school na yan.
grabe ang concert ah, baka naman kasi sobra disorganize ang event kaya magulo, and madali madukutan mga tao...
ingat nlang sa susunod.
im glad to see u back to blogging! Malas mo lang, may tag ako sau sa bahay ko, lol! anyway, click mo lang name ko for the link to the tag! take ur time, do it if u want to, if not ok lang din. Ingat ka lagi and have a safe and enjoyable adventure!
Howdy.
wow si bamboo! galing banda!
concert na ganyan ay talagang delikado. Di pareha dito sa UK na safe kang manood ng ganyan. Manonood ako ng concert ng Maroon 5 this Dec dito sa amin.
i dont like concerts ... ang daming pawis ng iba na mapupunta sa yo sa siksikan ... YUCK!
May concert and bamboo dto sa gensan para sa tuna fest nila. pro safe naman cguro..
wow daming tao. happy weekend.
kapatid ko, sa RTU nag-aaral... mukhang di yata sya pumunta sa event na yan...
Wala rin akong cp ngayun eh. Nasira ko. isang buwn na. hehe
i don't like places that are very crowded.
malapit talaga sa mga incidents like that.
when i graduated college last year, i remember nag apply pa ako sa PLDT na office and twas my interview. scary nga ung place..hehe.
i'm a proud bamboo believer din!
heheh rock n rowl!\m/
kakanood ko lng dn last september 01 dito sa amin sa iloilo. .
rock on! \m/
hi there...weLL nice blog ahhh..
bkit ndi kna sumasama sa get to tOgether ahhh...
Lagi kNg abseNt...
hmmmm txt me 09092421969 or send me ur # sa frdster freAkmazed_08@y.com.ph
hmmmm w8 koh ahh
ariane here...jejeje
always take care and godbless
Post a Comment