Holy Week in Mindoro

I am here right now in Manila kasi nag-enroll ako for the Summer class. My only subject now is N103 na talagang pang-summer lang. Parang pang completion lang ng duty ang summer kaya puro duty kami at walang lecture.

Duty rotations ko this summer ay ang Ospital ng Muntinlupa (OsMun) sa Alabang near Asian Hospital, St. Dominic Hospital sa Cavite, tapos sa Cavite rin ang Bautista Hospital na kailangan naming magstay-in kasi malayo raw at ang Troywell Lying-In sa Taguig City. 2 weeks kami per rotation namin this summer every Monday to Wednesday kaya every Thursday to Sunday ay pwede akong gumala.

This Sunday night ay babalik na ako sa Mindoro para naman doon magspend ng Holy Week with my Mommy. This coming Saturday kasi ay alis ng Ate ko pabalik ng Dubai at sa Thursday naman ay ang Kuya ang aalis pa-Abu Dhabi naman. Umuwi lang kasi talaga sila rito dahil nga namatay ang Daddy namin. Though malungkot pa rin, kailangan naming maging malakas ang loob at hindi panghinaan for our Mom naman na nasa Mindoro.

Kuha ko ito sa last year sa dalawang nagpepenitensya sa amin.

Well, nag-iinvite nga pala ako ng mga interesado sa place naminsa Paluan, Occidental Mindoro. Try naman ninyo ang Holy week sa bayan namin. Kakaunti lang kasi talaga ang nakakaalam about sa bayan namin kaya nga nagbablog ako kahit papaano tungkol ditto.

Well, hanggang nagyon ay sinauna pa rin ang pamamaraan ng mga taga-Paluan sa pamamanata at pagpepenitensya tuwing mahal na araw. Meron pa ring nagbabara-bara (lahat ay ginagawa sa pagpapakasakit sa sarili), penitensya (may kudlit sa likuran at may dugo), nagbubuhat ng krus, gumagapang, at kung anu-ano pa. Meron ding basahan ng pasyon sa lahat ng baranggay.

Pero ang pinakakakaiba sa lahat… Ang mga kanta rito ay sinauna at latin madalas. Sad to say na ‘yung mga katatandaan na lang ang may alam basahin ang mga kantang iyon. Hopefully naman ay maituro ng mga katatandaan iyon sa mga kabataan ngayon para magamit pa sa mga susunod na henerasyon.

This is the new hanging bridge of Calawagan River Resort.

Ito naman ang maliit na falls sa Calawagan.

Well, tagabalat lang naman ako ng buko sa amin.

If ever man na may uok (exotic food ng Paluan, Occidental Mindoro) ay patitikimin ko kayo. Sana merong manguha na Mangyan sa bundok.

Sa mga interesadong sumama sa akin, you can call or text me (+639279074641 Globe or +639236100888 Sun Cellular). P2,000 is enough – back and forth. Sa bahay naman kayo tutuloy if you want at talagang magugustuhan ninyo ang place. Matutuwa kasi ang Mom ko kapag may bisita kami since siya na lang at ‘yung kasambahay naming mangyan ang tao ‘dun. And for sure makikilala mo at matutuwa ka sa kabaitan ng kasama naming sa bahay na mangyan. Siya ang katulong ng Mom ko sa lahat ng Gawain sa bahay.

post signature

15 comments:

Buti tumagal ng kaunti ang kuya at ate mo sa inyo... Alagaan mo ang mommy mo pag-uwi mo, 'Chard.

Ayos na paraan ng promotion ng bayan niyo 'to ah. May libreng accommodation pa. o",) Huhmn, mati-threaten ang Puerto Galera nito.

RJ
April 3, 2009 at 5:11 AM comment-delete

Bautista! Malapit samin yun!
Gudluck!

April 3, 2009 at 6:42 AM comment-delete

Wow! Free bed and breakfast?

Di naman kaya ang bayad eh sila ang iku-crucify sa cross? (joke)

Anyway, nakakamiss ang celeb jan, dito kasi eh puros easter chocolate eggs ang priorities nila twing Easter.

April 3, 2009 at 8:30 AM comment-delete

Kuya magadang araw! Pasensiya na hindi ko nabibisita ang blog mo nitong mga nakaraang araw! Wala kae akong broadband ngayon! nagpa upgde ako nung wednesday rin ang modem nung time na yun kaya dito lang ako sa opis nakakapag net kaso marng ginagawa!

Sana okay ka na! :)

Ax
April 3, 2009 at 2:47 PM comment-delete

ganda ng falls...ingat ingat chard!

April 3, 2009 at 7:45 PM comment-delete

hi chard..mabuti naman @nakkrecover ka na..naku ung Uok, sana pala mkpagdala ate mo nyan sa dubai para matikman ko rin :D

ganda ng lugar nyo, iyan ang mga trip ko malagubat at probinsya..naku siguradong sasama ako sa iyo kung nasa pinas lang ako..

parang cubao - marikina lang ang mindoro manila sayo ano,

iyong penitensya, isang dekada ko na yatang di nasasaksihan yan..dati rin akong pinababasa ng pasyon e, iyong pagbabalat ng buko namis ko na rin yan

cool shots, cool post. cool place.

April 4, 2009 at 12:18 AM comment-delete

Ok sana 'to Richard, But I've got other plans too... Enjoy! at sana may makasama kang blogger and friends para mas masaya!

Cheers!
Ganda ng lugar nyo..
Ingat!

April 4, 2009 at 1:34 AM comment-delete

ui, alam ko ko yung OsMun. balak ko mag-apply dun at sa Asian once i get my IVT license...

ang ganda ng lugar ah...lalo na yung sa may parang falls. a great place for a getaway this summer...

Glad you're coping very well with your loss.

God bless you.

---
ahehe! it's my first time to write something like this. it felt good kahit papano i could translate it into words...

invite saan? eto ba yun?

April 4, 2009 at 3:30 AM comment-delete

ai wow, hehehe
thanks po for the invitation,
how i wish i can, hehehehe.
i bet ur place is really nice, not to mention those falls. ^ ^

April 4, 2009 at 12:29 PM comment-delete

alam mo ang may alam na nga lang talaga ng mga ganyang kanta e yung ma matanda na..ngayon kase kahit rap ok na rin..kumbaga welkam na rin sa pandinig..heheheh

April 4, 2009 at 6:52 PM comment-delete

@ RJ : Ganun ba? Hindi naman. Actually, ilang years ko nang ginagawa ito. This sa mga bloggers naman ako nag-invite. Sa mga friends and classmates ko dati kaso ngayon walang sasama. Hehe :)

@ Bulaang Katotohanan : Ganun ba? Ano 'yun?

@ KRIS JASPER : Ganun ba? Hayaan mo pagbalik mo ng Pinas ay yayain kita.

@ Ax : Okey lang Ax.

@MarcoPaolo : Sure, lagi naman e!

April 4, 2009 at 11:38 PM comment-delete

@ Josh of Arabia : Thanks Kuya AJ! Sure... Pagdating mo ng Pinas... Dadalhin kita sa amin. Next time naman, sana marami kang free scheds.

@ Dylan Dimaubusan : Salamat Dylan! I think wala now. Hindi ko kasi ganun talagang napagplanuhan at saka very late na ang post na ito.

@ lucas : Dapat lang na madali akong makarecover kasi nurse ako. hehe! Goodluck sa applications mo sa OsMun at Asian Hospital. Maganda 'dun. Mababait lahat ng nurses at doctors.
@ Antoine Greg : Hehe... Okey! Nice naman...

@ payatot : Ganun ba? Sana nga okey na. Sa amin kasi... maraming makaluma 'dun pero maganda naman.

April 4, 2009 at 11:42 PM comment-delete

I've been to both Oriental and Occidental Mindoro but I've never been to Paluan. Actually sa Occi hanggang Mamburao lang ako. Sayang sana that time na nagpupunta ako sa Mindoro nakita ko yung falls nyo. Sa Oriental naman hanggang Gloria yata yun.

BTW, condolence. We will all die eventually. What's important is what we do while we're alive. :)

C5
April 9, 2009 at 8:09 AM comment-delete

sige punta ako... aampunin mokoha. hehehehe...

April 10, 2009 at 10:50 AM comment-delete

@ C5 : Thanks po! Kung gusto mong pumunta sa lugar namin, ako magiging tourist guide mo. Hehe!

@ olan : Hindi pa naman late.... Pagbalik ko ng Mindoro next next week, inform kita kung pwede ka. Hehe!

April 11, 2009 at 11:44 PM comment-delete