Semana Santa sa Paluan 2009

Nakauwi nga ako last Sunday (April 5, 2009) sa Paluan, Occidental Mindoro para doon mag spend ng Holy Week with my Mom. This time, dalawa na lang kami kasama ang kasambahay namin na si Jonalyn na isang Mangyan.

Since wala naman akong nainvite this time unlik last year, wala akong masyadong iisipin at iintindihin ngayon. Nagkaroon ako ng invitation a week before ako umuwi pero mukhang late na kaya ganun. Hehe! Well, kwento ko na lang sa inyo ang mga karanasan ko sa Mindoro at saka ang mga nakuhanan ko ng pictures sa bayan namin.

First day ko pa lang noong Monday sa Paluan ay talagang may nagpepenitensya na akong naabutan. Mga pinsan ko, mga kaibigan at mga kamag-anak ko ang pinicture-an ko talaga ng husto sa kanilang pagpepenitensya. Taon-taon na kasi nila itong ginagawa.

Pinsan ko noong Monday nagpenitensya.

Close ko na pinsan na mas bata pa sa akin ng 3 taon pero 2 years na niya itong ginagawang penitensya.

May mga penitensya na sabay-sabay sa pag-ikot sa buong baranggay na magbabarbarkada, magkakaibigan, magpipinsan, or magkakamag-anak....

At meron namang mag-isa lang. Gusto lang niya or wala talagang makasabay.

Every-year rin sana ang Kuya ko nagpepenitensya ng ganito pero wala ngayon. Nasa Dubai na kasi siya pero for sure, kung andito 'yun, sigurado ay unang-una siyang magpepenitensya! Para naman kasi sa kanila, hindi lang basta paraan ang pagsisisi or pagbabayad ng mga kasalanan ang penitensya na ito, nasa kultura na rin kasi ito ng mga taga-Paluan at mga Pilipino na rin.

After ng paglibot ng mga penitensyang ito sa baranggay namin sa kainitan ng araw ay dadaan ang mga ito sa simbahan para lumuhod at manalagin sa Diyos. At pagkatapos noon ay pupunta na sa dagat para magbanlaw at tanggalin ang mga dugo nila sa katawan. Sa dagat sila naglilinis after noon kasi para sa kanila, may disinfectant effect daw ang dagat. (Okey!) Sabagay, wala pa namang reported na kaso ng pagkamatay sa amin dahil lang sa pagpepenitensya.

The other day, tiningnan ko ang kudlitng pinsan ko at talaga namang mabilis matuyo ito. Second na niya ito na penitensya kaya kita pa 'yung naging keloid niya sa pagpepenitensya niya last year. Mayroon namang mga kabataan na sa edad na 16 ay nagpenitensya. Hindi ko alam ang dahilan ng kanyang pagpepenitensya pero for sure may kinalaman ito sa kanyang paggraduate ngayong taon sa highschool.

A day after ng penitensya. Mukhang tuyo na agad.

Mula Lunes hanggang Huwebes ang stations of the cross sa bayan namin. Thrusday lang talaga ang isa sa mga dinarayo kasi ginagawa ito sa Bundok ng Kalbaryo (kung tawagin sa Paluan) na matatagpuan sa baranggay namin sa Lumangyan. Ang stations of the cross kasi dito ay ginagawa sa maliit na buro sa likod ng Simbahan ng St. Joseph the Laborer sa Lumangbayan.

Maganda ang tanawin dito sa burol na ito kasi makikita mo ang buong kabayanan.

Nagiging panata na rin kasi ng iba na sumali sa stations of the cross na ito sa buong bayan.

Buong Lunes Santo hanggang Huwebes Santo ay ang pagpepenitensyang iyon ang mga nakita ko hindi lang sa baranggay namin kundi pati na rin sa bayan. Biyernes Santo naman naglabasan ang ibat-ibang penitensya ng mga taga-Paluan. Kasabay ng libot (parada) ng alas-sais ng gabi sa pagikot ng baranggay Lumangyan.

Mayroong nagbabara-bara. As in pwedeng gumapang, gumulong, tumambling at kung ano-ano pang pwedeng gawing pahirap sa sarili.

Kasabay ng libot ay ang panggapang....

Meron pa ring penitensya sa bagi ng Biyernes Santo... (Pangalawa na niya ito sa buong linggo)

May nagso-soledad... Mga taong naglalakad ng nakabalot sa buong katawan at iniikot ang buong bayan (hindi lang sa baranggay namin) nang nakapaa lang at walang suot na tsinelas or sapatos.

Ang tradisyunal na paglilibing sa aming baranggay ay buhay na buhay pa rin kasabay ang pag-awit sa wikang latin na kanta pa sa sinauna naming mga ninuno. Si Mama Mary naman ay inililibot din kasama sa prusisyon na nakasuot ng itim na damit ng pagluluksa.

Si Mama Mary na nakaitim.

Ang paghalik sa paanan ni Jesus.

Ang prusisyon ng paglilibing...

Meron naman akong naging penitensya this Holy Week. Secret na lang. Hehe! I am now here in Manila, kagabi (Saturday) pa ako umalis ng Mindoro kaya ngayon lang ako nakapag-update.

Happy EASTER SUNDAY sa lahat!

Sana lahat tayo ay nagkaroon ng very meaningful time for God this Holy Week....

post signature

26 comments:

Npakaganda pla ng karnasan mu ngayong semana santa. slamat sa pag upload ng mga ito, for sure marami magkikta nito at maaring matutunana nila king anung kultura mayroon tayo sa mindoro. Nabanggit mo yung naglilibing? Wala ako ntatandaan sa mamburao n gngwa yo. siguro tlagang sa paluan lng. Nagkita knb ng actual na gngawa un? Paanu un? Anyways, Am so glad here that you really had that kind of experience. I hope one day magkasama tau together with different nik naks sa aten. Hindi kn ngtxtx, i hope okie ka lng. Ingat. -Christian

Anonymous
April 12, 2009 at 12:29 AM comment-delete

Buti ka pa. Ako, naburo ng 1 week mag-isa sa bahay. haha. poor me. Happy easter!

April 12, 2009 at 1:49 AM comment-delete

@ Anonymous Chritian : My friend... May paglilibing talaga. 12mn siya ng Friday ginagawa after ng kamatayan nila. Tawag lang sa kanya ay paglilibing pero walang actual na paglilibing talaga. Prusisyon lang talaga as is...

@ Allen : Ganun ba? Akala ko ba may pabasa kayo? Sana naman ginamit mo ang talent mo sa pabasa na 'yun. Happy Easter din!

April 12, 2009 at 2:17 AM comment-delete

omg. people just really make stupid things in this time of the year..sigh

akala ko pa naman you were the one doing all those things! hahahaha. OMG. :P

April 12, 2009 at 2:41 AM comment-delete

nako ang sakit nmn nyan..d ko cheguro kayang gawin yan..

April 12, 2009 at 3:40 AM comment-delete

aray...that looks so painful...i am really amazed how people show their faith by suffering this physical pain.

ngayon lang ako nakakita ng itim na mary. takot pa naman ako sa mga santo. hehehe!

welcome back!

April 12, 2009 at 4:32 AM comment-delete

buhay na buhay ang semana santa sa inyo ano? kaya lang sabi na rin ng simbahan e ok na raw na wala ng ganyan dahil nagawa na ni kristo yan pero siguro nga ay may hatid na halaga sa mga taong gumagawa nyan kaya tuloy lang nila...

April 12, 2009 at 4:38 AM comment-delete

Happy Easter Sayo Richard! :)

April 12, 2009 at 4:39 AM comment-delete

@ Herbs D. : Hindi ko pa alam kung gagawin ko 'yan. But for now, hindi pa ako handa. Marami nga nagtatanong sa akin kung kaya ko iyan e!

@ S-H-Y : Talagang masakit iyan. Kaya nga hesitant pa ako diyan e.

@ lucas : Thanks Lucas! talagang masakit. Mga panata lang talaga kaya nila ginagawa.

@ payatot : Buhay na buhay talaga. Kaya nga ang saya-saya laging umuwi sa bayan namin tuwing holy wee. Ramdam na ramdam mo ang panahon.

@ MarcoPaolo : Happy Easter din!

April 12, 2009 at 4:57 AM comment-delete

lupit richard. Buti pinakita mo na hindi ito gawa gawa lang at pagpapasikat lang. talagang may kahalagahan nga ang penitensya dahil may nakausap din ako sa marinduque na tagal na din nyang ginagawa. pero hindi na namin ito nakita dahil sumama kami sa prosesyon. hapdi yata ang paglulublob mo sa dagat pag may sugat pero totoo ngang madaling gumaling ito.

April 12, 2009 at 5:14 AM comment-delete

Great post!
Buti pa sa inyo buhay ang semana santa samin parang naghihingalo na!
Salamat kaibigan sa pagpreserve ng memorya ng kultura niyo in written and visual form!

Enjoy!

April 12, 2009 at 7:02 AM comment-delete

Happy Easter din sau. Galing naman sa lugar nyo, buhay na buhay ang tradisyon.

April 12, 2009 at 7:59 AM comment-delete

Happy Easter!

April 12, 2009 at 9:25 AM comment-delete

wow! galing! wala kasing penitensiya mode dito sa la union. kaya pangarap ko talagang mapanood yan in actual. swimming galore nalang ang naganap even on good friday na years before, talagang solemn ang celebration. people and culture really change.

April 12, 2009 at 4:18 PM comment-delete

@ Dom : Talagang malupit at namamangha ako kahit papaano sa mga panata nila. I know naman na sa hirap ng penitensya na ito, hindi biro kung walang dahilan talaga ang pagpapasakit nila.

@ Bulaang Katotohanan : Happy Easter sa iyo! Oo naman, magagalit ang mga elders sa amin kapag nawala ito.

@ enhenyero and Marco : Happy Easter din! Ganyan talaga...

@ tala : Ganun ba? Maganda palang magala kayo rito sa amin sa Mindoro kapag Semana Santa para makakita naman kayo rito. Hehe!

April 12, 2009 at 8:25 PM comment-delete

sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo, kung mayroon nang nag-alay ng buhay para mapatawad ang mga kasalanan hindi lang ng isa kundi ng lahat ng tao...


gayunpaman, happy easter richard!

April 12, 2009 at 9:42 PM comment-delete

binuhay mo ang namamatay ng kultura @ kaugalian nating mga pinoy tuwing mahal na araw..

parang ang sarap pumunta dyan sa probinsya nyo, sa susunod talgang sasama ako sayo!..ung mahal na araw sana kaso naweweirduhan ako sa mga nagsusugat ng sarili nila..

i find it morbid as a kiddoe...and i head scratch as an adult..

they need not to man, but ur right it, remain a strong tradition ..

how are they after the lenten, and uhm, parang alam ko ng konti ang sikret mo, hehe..jst asking

oh i should meet ur bro in Dubai, il be asking more Q on this subject.

good job on this one young bro..

April 13, 2009 at 2:25 AM comment-delete

maganda....T_T

April 13, 2009 at 7:00 AM comment-delete

@ Eben : Parte na kasi talaga ito ng tradisyon sa bayan namin. Kasi sanga-sanga na ang mga gumagawa nito mula pa sa pinaka magulang hanggang sa mga anak at apo.

@ Josh of Arabia : Hehe! At ano naman ang naiisip mong sikreto ko AJ? Basta penitensya rin iyon na nakapost dito sa blog na ito.

@ Gerald Galindez : Thank you for your appreciation.

April 13, 2009 at 8:37 AM comment-delete

Na miss ko nang mag visita iglesia, at manood nga mga prusisyon.

Dito busy ang mga tao sa egg hunting pag holy week.

haaayyyyy....

April 13, 2009 at 9:32 AM comment-delete

can i come next year ............. that is if i could go home for vacation?
parang ang sarap ma-experience ang HOLY WEEK SA INYO ah!

April 13, 2009 at 9:40 PM comment-delete

IBA PALA ANG PENETINSIYA SA INYO. uy sorry capslock, i am working kasi while reading blogs.

April 14, 2009 at 5:11 AM comment-delete

@ KRIS JASPER : Egg hunting pala uso diyan? Hehe :) Nice.... Westernized talaga ang dating...

@ rodangeles : Sure why not! Hehe :) Hopefully nandito pa ako sa Pinas ng time na 'yun. Kasi after graduation ko this October, Dubai na ako.

@ REDLAN : 'Yun kasi talaga ang nakasanayan. Halos lahat naman sa amin ay may kaniya-kaniyang penitensya. Magkakaiba lang kami sa pamamaraan.

April 14, 2009 at 9:02 PM comment-delete

Sayang di ako nakasama sa inyo sa Mindoro. Next time na lang po.

April 14, 2009 at 9:55 PM comment-delete

grabeh--madugo pala dito---katakot---dipa ko nakakita ng mismong ganyan----

April 15, 2009 at 7:46 AM comment-delete

awwssttt.. ang sakit seguro nun! eyy.. never akong magpipinitensya ng ganun. hehe

Mon
April 23, 2009 at 5:28 AM comment-delete