A Night at Boso-Boso Highlands Resort and Convention Center


Biglaan ang pagpunta ko ng Boso-Boso sa friends ko na sina Mike at Jiro. Matagal na pala silang nagplano pero hindi nila ala kung sino ang isasama. It just happened na nangumusta ako sa kanila thru text and they asked me if available ako sa araw na iyon.

Nagsuggest pa nga ako na sa Hinulugang Taktak na lamang kami pumunta kasi hindi pa talaga ako nakakarating doon pero sabi nila ay hindi pa raw maganda roon at may ginagawa pa. So sa Boso-Boso talaga kami.

Swerte kasi wala akong gagawin ng araw na iyon kasi wala pa kaming pasok kaya naka-oo ako. Gamit namin ang kotse ni Mike papuntang Boso-Boso. Dala-dala rin namin ang mga lutong pagkain na dala ni Jiro. Kagagaling ko lang sa isang straight duty noon kaya hindi ko alam kung makakapag-enjoy ako doon.


Hapon na kami nang nakarating sa Boso-Boso Highlands Resort and Convention Center sa Sitio Cabading Brgy. San Jose Antipolo City Rizal. Sobrang ntraffic kami papunta sa may Cogeo at hindi rin naman pala alam ni Mike (the driver) kung saan ang Boso-Boso. Ang resort na ito pala ay 32-hectare at almost 3/4 nito ay forest talaga.

Unang pinuntahan ko ang mga pool since gusto ko laging magswimming. Nice naman ang pool at siguradong mag-eenjoy ako!

4-5ft na pool nila...


This is the kiddie pool.

Pool sa ibababa. 4-5ft din ito.

Syempre, sa hotel/lodge ng Boso-Boso kami naghanap ng roon for 1 night para naman maganda ang tulog namin. Since isa naman sa mga reasons namin kaya kami pupunta dito ay para makatakas sa napaka init na Maynila.

Sa kanilang dalawa na kasama ko, una akong naligo hanggang 9pm at kumain na kami ng sabay-sabay. After kumain ay nakaramdam ako ng antok kaya nagtoothbrush na ako para naman in case na talagang hindi ko na kaya ang antok ay derecho na akong matulog.

Ako sa harap ng hotel...

Ang masarap na tulugan...

Ang ending... Nakatulog na ako ng derecho. Well, ang lamig naman kasi at presko ang hangin pero nag-aircon pa rin kami. Hanggang sa magising ako kinabukasan ng 9am.

It's time to go na pala. Tawa sila ng tawa sa akin kasi ang lakas ko palang mag-snore! Though hindi ko masyadong naenjoy ang Boso-Boso Resort na ito, nag-enjoy naman ako sa pagtulog. At least nakabawi ako sa ilang araw ko ng duty at walang pahinga. Para kasing nasa probinsya ka lang sa amin sa Mindoro kaya ganun.


More adventures to come this summer. Hopefully marami pa akong mga friends na madagdag sa list ko. Hehe!

Ill be going back to Mindoro this April 30, 2009 (Thursday night) at ang alis ng Mindoro pabalik ng Manila ay sa May 1, 2009 (Saturday night). Sa mga gustong sumama, pwede ninyo akong imessage dito. Thanks!

post signature

NhamNgaHanh is the founder and editor in chief of SimplexDesign blog ,a blog on Blogger tips ,tricks ,designer resources and many premium Blogger templates for free use.