Paluan Kong Mahal....

Ang nakakatuwang picture na signboard sa harap ng munisipyo namin (5 years ago pa 'yan and until now - ganun pa rin!)

Kilala naman ako ng mga kababayan ko sa buong Paluan, Occidental Mindoro sa pangalan ko pa lamang at sa apelyido na kalat na kalat sa buong bayan. Maybe nakilala ako ng iba dahil sa nakaraang Leksyon at mas marami naman ang nakatanda sa pangalan ko (for sure) bilang isang Editor in Chief ng CYMBO - Official Newspaper of Paluan Catholic Youth in Action Inc. na aktibo noon sa paglathala ng mga balita sa bayan namin. Nag-iisa lang ang CYMBO sa bayan namin.

So sad hindi na ito nagcicirculate ngayon for the reason that hindi na kasi ganoong aktibo ang mga sumunod na mga members ng PCYA Inc. sa amin. Kami kasi ay napunta na sa Manila para mag-aral at sa tuwing bakasyon na lang kami nakakauwi. Malungkot pero ganun talaga.

Pero magkagayun man, hindi pa rin ako tumitigil sa pagsulat ng mga saloobin ko tungkol sa aming maliit na bayan. Kaya kahit nasa Magdalo (Official Publication of Emilio Aguinaldo College Students) na ako ngayon ay isinisingit ko pa rin kahit mga poems or stories about sa bayan namin.

Maraming pinagmamalaking mga tanawin ang bayan namin.
  • Unang-una na ang Calawagan River Resort (The Calawagan River in Paluan was adjudged the cleanest river in the country for the second straight year - 1998);
  • Pati na rin ang Mount Calavite (Known as one of the two remaining areas where tamaraw [Bubalus mindorensis] could be found in the wild (the other being Mts. Iglit-Baco), this mountain is a haven of biodiversity - one of the few places in the Philippines where hikers have a good chance of seeing animals such as wild boar, deer, and yes, even the tamaraw, roaming on its grassy slopes) na naakyat na ng ilang mga Pinoy Mountaineers;
  • Mainit Hot Spring (Hindi ko na naririnig);
  • Ibat-ibang waterfalls - Batinglay Falls (Unahan ng Calawagan) -Bisay Falls (sa Baranggay Marikit) -Atuyan Falls -Calawagan Mini-Falls Crystal Clear River;
  • Ignonok White beach;
  • Mga diving sites like Igsuso Reef -Mahabang Buhangin Reef -Marikit Reef -Ignonok Reef Different Marine Species, Coral Reefs

At sa mga lugar na iyan ko dadalhin ang magiging bisita ko na kasama ko bukas pauwi ng Mindoro! 3 silang nagrespond sa invitation ko sa pag-uwi ko sa Mindoro. Sana ay magawa naming puntahan ang mga iyan.

At iba pang maipagmamalaki ng buong Paluan, Occidental Mindoro kaso talagang hindi pinag-uukulan ng pansin ng mga opisyal sa amin. Kung meron mang pansing ibinibigay, sa palagay ko ay kulang ito. KAsi sa tuwing uuwi kami at magbabakasyon, kung hindi man nagbago ang lugar for good, devastated ito.

Ipinost ko nga sa I Love Paluan Blog ang isang puna ng isa ring Blogger from our town na Paluan – The Sleeping Town para mabasa ng mga taga-munisipyo sa amin. Sad to say, hindi pala kasi walang internet connection sa buong bayan namin dahil nagloloko ang Smart Bro for almost 3 months now.

Calawagan River Resort - Madalas puntahan ng mga bakasyunista sa amin

Mount Calavite

Nagkaroon ako ng post na nag-iinvite ako sa bayan namin (An Invitation) at 3 ang nagtext sa akin na willing sila na sumama sa akin to experience Paluan kahit papaano. I hope mag-enjoy sila para maganda ang feedback.

**********

Last Sabado de Gloria nga pala ay nagkaroon ng Blowout ang friend naming si Jesus Capinpin kasi grumaduate siya sa Far Eastern University - Morayta as Magna Cum Laude (B.S. Accountancy). Syempre full force ang barkada namin sa pagbati sa kanya.



see more pictures at my multiply site


CONGATULATIONS JESUS!
post signature

23 comments:

Maganda yung Mt. Calavite. Panu na originate yung name nya?

April 27, 2009 at 11:43 AM comment-delete

It's really funny that you mentioned how the crooked signboard has been there for years. Mukhang matutumba na sya sa swamp.

April 27, 2009 at 6:25 PM comment-delete

ayos pala dyan sa inyo.

ayaw patumba nung signboard! hehe. magkano ba ang fair papunta sa inyo originating from Makati?

Ax
April 27, 2009 at 8:14 PM comment-delete

@ Redlan : Galing kasi ang name na Calavite sa "KALAWIT"... TRIVIA : A small hill at Calavite is called 'Suklay' by the Mangyans; a giant millipede is said to have lived there, with a comb-like structure on its head.

@ Nomadic Pinoy : Haha! Hindi nila kasi napapansin 'yun or talagang ayaw lang nilang pansinin 'yun!

@ Ax : Bale tomorrow magkikita kami ni Randy(Blogger din) na isasama ko sa amin sa Mindoro. P2,000 and pinaka allowance niya dun kasama na ang pamasahe.

April 27, 2009 at 9:38 PM comment-delete

all i thot' ung paluan term is a post-part of ur lenten article..

nakakatwa naman ang young bro ko @ talaga palang prominente na sa larangan ng paglalathala..

uy, pakilala mo naman ako sa mge genius mong friend :D..

@ photgrapher ka na rin pala ngayon..(maipost ko na nga rin ang mga inaagiw kong shots, hehe..)

rgds chard, more power!

April 28, 2009 at 12:48 AM comment-delete

dami nga din talagang makikita sa inyo. parang magandang akyatin ang bundok na yon ah. naakyat ba yon?

nagsusulat ka pala talaga. galing naman. sayang naman yung sa CYMB nyo.

April 29, 2009 at 6:31 AM comment-delete

ganyan talaga buhay, minsan ayaw mong umalis pero kelangan para ituloy mo ang buhay sa ibang lugar..mabuti naman at nakakasulat ka pa rin kahit paano tungkol dyan sa bayan mo

April 30, 2009 at 6:19 AM comment-delete

hanep.
lupit.
sana makarating din ako dyan! :]]

May 1, 2009 at 12:39 AM comment-delete

River resort? bago yun ah...kalimitan kasi puro beach resorts eh...cool!!

mukhang maganda rin, yung Calawagan. nakakamiss maligo sa ilog. yung ang gawain ko dati eh.. hehe!

---
hehe! i should be bothered kung wala akong kalokohan sa buhay..hehe!

thanks. she's been discharged already...:D

May 1, 2009 at 2:43 AM comment-delete

Parang kulang pa ang mga photos na inilagay mo, Richard.

RJ
May 1, 2009 at 6:43 AM comment-delete

Wow! Ganda nung photo nung mountain....

Ingat sa byahe, at sana ok na rin yung weather para mag enjoy fully yung visitors mo.

May 1, 2009 at 7:16 AM comment-delete

wow ang galing naman...

makapunta nga..(i mean pag may pera na!) why not?

May 1, 2009 at 10:08 PM comment-delete

gano katagal ang biyahe papunta dyan? looks nice...

May 2, 2009 at 5:25 AM comment-delete

Hope to see all these someday and you to guide me friend!

What's up?

May 4, 2009 at 9:06 AM comment-delete

@ Josh of Arabia : Ah aganun ba? hehe :) Hindi naman.... Nagtatry lang na maging maganda ang content ng blog ko kahit sa pictures lang. Hehe :)

@ Kuya Dom : Hehe! Kilala ako sa bayan namin na huling nagsulat at naging editor ng CYMBO. Ayun, wala na siya ngayon. Sayang! Naakyat na ng mga mountaineers ang Mt. Calavite po.

@ Yatot : Ewan ko? Ganun kasi talaga. Medyo may pagka aktibista kasi ako pero moderate lang.

@ Jessieboy : Sure! Sama ka kapag nag-invite ulit ako.

@ Lucas : Hehe :) Happy ako sa Mom mo pati sa Lola mo now. Sana makasama ka rin.

May 5, 2009 at 5:11 AM comment-delete

@ RJ : Ano pang kulang? 'Yung mga nainvite ko? Next post ko sila ilalagay.

@ KRIS JASPER : Medyo naging okey naman ang panahon... I am back na kasi sa Manila. Duty muna ako.

@ Bebot : Sure! Kapag nag-invite ako sana makasama ka. Hehe :)

@ gillboard : from Manila to Batanggas Pier - 2 hours; Batanggas Pier to Abra de Ilog Pier - 2 hours; Abra de Ilog to Paluan - 2 hours...

@ Carlo Magno : Sure! Hehe :) Sana makasama ka sa next na yaya ko.

May 5, 2009 at 5:16 AM comment-delete

huwaw, ang ganda naman ng view!
so nature tripping.
sabi nga ni pacman, now i know kung bakit "adventure of lionheart" ang title ng blog mo.

ingats!

May 6, 2009 at 8:09 PM comment-delete

wow ang ganda ng mga pics. alo na yung mount calavite.. pero parang nakakaLOL ang pangalan ng bundok na yan.

May 8, 2009 at 2:45 AM comment-delete

@ Roland : Tama nga si Pacman... "Now you know!" Hehe :) Thanks Roland!

@ kcatwoman : Mukha kasing kalawit kaya Calavite ang tawag.

May 9, 2009 at 6:07 AM comment-delete

saya naman diyan! iba talaga ang hometown mo ano? ibang iba kumpara sa masalimuot na lugar ng Maynila..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

May 9, 2009 at 6:57 PM comment-delete

ah, P2,000.00 pala!

hehe. napadaan lang, dude!

Ax
May 13, 2009 at 6:02 AM comment-delete

@ FJordz :OO naman... Kaya nga kahit malayo ay nagbabalikan ako from Manila e!

@ Ax : Salamat sa pagdaan!

May 13, 2009 at 9:42 AM comment-delete

I'm sorry mate, I came across this nice blog of yours.

I'm an old-timer. Back from the golden days of the publication.

Unfortunately iho, the MAGDALO you know now is not even worthy to be called a shadow of what The MAGDALO was before the arrival of the pretentious and power-tripping Armando Paras.

CAMPUS JOURNALISM is but a textbook term in EAC.

We feel terribly sorry for the current EB whose eyes had been taken out, whose ears had been cut off, whose lips had forever been sealed by familiar tyrants.

Wake up young Magdalo, we want you to see the light and become better servants.

You have the power to do better things in EAC.

You do not need an adviser who cannot practice what he preaches in his history classes.

I'm afraid I have to ask the question we once raised -
Where does a student's publication fee go?

Oh, please don't tell me that a couple of miserable "panis na panis na balita" in a "pambalot ng tinapa" is all he came up with?!

I believe that it is not your responsibility to respond.
Certainly not. You are not the culprits.

Yet the one who pulls the strings cannot come out clean.

If Mr. Rizal lived to see what he was doing, Rizal would've challenged him in a duel right away.

Hypothetically, the response would be Paras Kakaripas.

Anonymous
June 28, 2011 at 11:56 AM comment-delete