Counting days to my 25th birthday!

Yes, in few hours, December na and six days na lang, birthday ko na!

Somebody asked me kanina, "Para kang bata! Talagang nagkakaroon ka pa ng countdown for your birthday. May celebrations ka ba?"

I just smiled. I am drafting this post kasi which is about my 25th birthday countdown when he saw me.

Anyways, for sharing lang, seven years old pa 'yung last time na talagang naghanda kami for my birthday. After that, it's me, myself and I celebrate my very special day - my most anticipated day for the year aside from Christmas and New Year.

I know hindi na ako bata pero hindi naman ibig sabihin, wala na akong karapatang magcelebrate ng birthday ko. This is still my most special day of the year, once a year lang ito dumarating kaya pagbigyan na ninyo ako. And may celebrations or not, basta dumating ang araw na ito, masaya na ako. Mas lalong magiging masaya ito if I'll be with those people I love the most - my family, my friends.

If tatanungin ninyo ako kung may wishes ako, of course meron pa rin. I still want a new iPhone5, DLSR camera (kahit na ano basta magagamit ko), at syempre, ang pinakaaasam ko na laptop. Pwede rin kung buhay ay love birds, spanish doves or di kaya mga aquarium fishes (please kasama ang aquarium hindi lang fish kasi wala pa akong aquarium).

Anyways, anuman ang mangyari sa araw na 'yun, I am still hoping na sana masaya. Ayoko ng problema for that day pero ayoko rin naman ng surprises. May sakit ako sa puso para sobrang kabahan pa. Haha!

Share

1 comments:

Happy birthay! :))

December 1, 2012 at 3:56 AM comment-delete