Look into the brighter side of life...

It's Sunday morning. Depressed. Sad. Lonely. "Just look into the brighter side of life," said the voice in my dream. Then nagising ako, "Panaginip lang pala!"

It's a sunny day. Maalingsangan sa labas. I don't know 'yung feeling. Hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ko. Ang nasa isip ko lang ay 'yung boses na gumising sa akin kaninang umaga. Dahilan para hindi na ako makabalik pa ng tulog kahit medyo maaga pa.

Medyo ganado ako ngayong araw for I don't know the reason. I just feel na gusto kong magluto ng chopsuey. So I went out of the house to go to the market. Nang makapamili na ako, bumalik ng bahay para lutuin ang chopsuey habang nagluluto ng kanin.

"Parang may kakaiba sa iyo ah!," sabi ng kasama ko sa bahay. Usually kasi talaga, bumibili na lang ako ng kanin at ulam sa labas. This time, wala akong iniintinding event or anything na pupuntahan ko kaya naman feel ko na ring magligpit ng mga gamit ko until I saw a box full of papers.

Habang nagliligpit ako ng gamit ay nagbabasa-basa ako ng mga letters na nakuha ko nung highschool at pati nung college. Isa sa mga sulat na dumako ang tingin ko ay 'yung sulat from my ex. "Haha! Sabi ko na," napahalakhak akong sinabi ko sa sarili.

The lines I've heard from my dreams came from my ex. From the letter when I was in college. Parang ang sarap basahin. Parang ang sarap gunitain pero tulad ng panaginip, hindi ito totoo at malayong malayo na sa katotohanan ito. Malayo na kami sa isa't-isa at magkaiba na ang tinatahak ng mga buhay namin. Wala na rin ang mga pangarap naming inaakala naming matutupad lang kapag kami ay magkasama.

Anyways, tama na ang drama. Just look into the brighter side of life na lang. 'Eto ako ngayon, 'di man kasing yaman niya, masaya naman ako. Hindi ko kailangang magpretend sa ibang tao kung anong status ng buhay ko at kung anong pagkatao ko kasi tanggap naman ng mga tao kung ano at sino ako.

Marami akong natutunan sa tagpo ng buhay ko na ito. Marami rin akong hindi makakalimutan at habang buhay ay aalalahanin.

Share

1 comments:

ahoy sir! parang ang tagal ko na yatang di nakakabisita dito? kayo, sikat na ahaha... nakita ko na sa tv, particularly sa ch.2 itong blog nyo ehehe.. kayo na ang sikat. saka kayo din ung owner nung lionhertv?

November 18, 2012 at 1:25 AM comment-delete