I bought myself a helicopter as a gift this Christmas!


Ilang araw na lang, Pasko na naman! Marami na namang mga bata ang excited sa mga regalong matatanggap nila. At syempre ako rin ay excited! Kapag Pasko kasi, dinaramdam kong bata ulit ako.

Ako naman bilang isang ninong ng halos 15 na inaanak (halos lahat diyan ay inattendan ko), may mga gifts akong inihanda para sa kanilang lahat. May mga remote controlled cars, barbie dolls, teddy bears, wallets (may laman sa loob), mga damit at sapatos, at iba pa. First time ko kasing magkaroon ng ipon for my inaanaks kaya effort ako sa pagbili ng mga regalo. Dati-rati kasi, 50, 100 or 200 pwede na sa kanila. This time, regalo talaga. 'Yun ang effort.

Anyways, maliban sa mga inaanak ko kasama si Mommy ko sa mga bibigyan ko ng gifts, isinama ko na rin sarili ko sa mga reregaluhan ko.

Noong isang araw lang ay bumili ako ng isang remote controlled toy helicopter. Nakita ko kasing sale sa ToysRus sa Trinoma kaya tumingin-tingin ako hanggang sa makita ko ang isang remote-controlled toy helicopter. 50% off kaya naman pinatos ko na. Minsan lang naman ito.

Noong bata kasi ako (mga 4years old) ay nakatanggap ako ng remote controlled toy helicopter din kaso since bata ako ay hindi ko naman naenjoy kasi ang gumagamit ay ang mga nakatatanda kong kapatid. Nung kaya ko nang magpatakbo ng isang remote controlled toy helicopter, sira na ito. Kapag nagpapabili naman ako, lagi nilang sinasabing nabilhan na ako noon kaso sinira ko lang. Hanggang sa lumaki ako... Nasa isip ko pa rin ang magkaroon ng isang remote controlled toy helicopter.

So ngayong pwede naman akong bumili ng isang remote controlled toy helicopter, kahit hindi na ako bata, binili ko pa rin. Iba pa rin kasi ang feeling na nafulfill mo ang isa sa mga pinakaaasam mo nung bata ka. Ewan ko ba, masasabi ninyong mababaw pero ang saya-saya ko nung sa pagbukas pa lamang ng kahon nito. At lalo pa akong naging masaya sa unang beses kong paliparin ito.

For now, nakakahon na ulit, dadalhin ko siya sa Mindoro pag-uwi ko ngayong Pasko. Dun ako magpapalipad ng helicopter. Para rin hindi ako masyadong mabored lalo na kapag wala na akong ginagawa.

May isa pa akong natipuhang bilhin na worth 7,000 na remote controlled toy helicopter with camera naman pero since mahal, next Christmas na lang. Pag-iipunan ko!


Share

2 comments:

ayos yan, ako nga gusto ko pa ring maglaor ng mega blocks kahit adult na ako, hehe

Merry Christmas sa iyo!

:))

December 23, 2012 at 5:51 AM comment-delete

pangarap ko rin amgkaroon niyan haha..

Merry Christmas po :)

December 25, 2012 at 6:54 PM comment-delete