Hello 2013!


A day before 2012 ends, while cherishing the quiet moments I am spending here in Mindoro, 'eto ako gumagawa ng blog post for New Year!

I'm so glad that I stayed in Mindoro this long (for about seven to ten days), long enough to enjoy the province, to roam around, and to think of things that happened this year. There are lot of good things and some bad things, pero what's important for me is andito pa rin ako - smiling and can proudly say to the world that no one can put me down.

2012 has been a good year for me. I received a lot of good things - gifts, love, friends. I even went abroad for the very first time (Dubai) and met the cutest baby on earth - my pamangkin named Steven. I stayed in Dubai for only just three months but I am so much attached with everyone there. Well, that's really memorable sknce it's my first time. I even spent a day in Brunei and two days and one night in China. At least, marami akong mga tatak sa passport ko na marami na akong napuntahan.

Anyways, I know myself better than others. Pero syempre, may mga pagkakataong bulag tayo sa sarili natin. I mean, may mga bagay tayong nagagawa na pala sa iba na hindi natin nalalaman. Syempre, ibat-ibang tao, ibat-ibang perception sa mga ginagawa natin.

Since I don't think of a much better year-ender for my personal blog, para maiba, I asked some of my Blogger friends ang mga bagay na hindi kagandahan sa akin na dapat ay isantabi ko na at dapat ko nang baguhin for next year. Sila ang mga tinanong ko kasi sila 'yung madalas kong makasama lalo na sa mga events. Minsan nga, halos araw-araw na.

Syempre may mga sumagot at meron namang parang dumaan lang na paramg bula ang text ko. Anyways, sila ang mga sumagot sa tanong ko:

Jerhwin Hernandez of NiceGuyItachi.info:
"Lahat naman tayo may negative side :-) siguro ang masasabi ko jan ay ang "Temper", napansin ko kasi na pag may konting bad vibes nagiging hot tempered ka agad. Hehe, pero i appreciate your truthfulness, alam ko totoong tao ka :-)"

Morgan Zeanreah of Supermorgy.com:
"Moody ka minsan but you're sweet always"

Ning Buning of ShyGirlsOwn.info:
"Matampuhin ka masyado lalo kay Flow. 'Yung black ng mata mo nawawala. Iwasan mo 'yun frend kasi hindi magandang tingnan."

Mj de Leon of Lifestylehub.net:
"Alam mo na ang isasagot ko sayo. Patience and more patience. ;)"

Maraming salamat sa mga sumagot! Don't worry guys, I know all these things, it happened lang na nasa sistema ko na ang mga ugaling 'yan for so long kaya ang hirap tanggalin pero I promise na this year, maminimize ko.

Thanks to Anton Carranza of PusangKalye.net for the photo.
Taken at Saranggola Blog Awards 2012.


Share

2 comments:

isang masayang 2013 sayo kaibigan!!!

January 3, 2013 at 3:06 AM comment-delete

happy new year po!

January 5, 2013 at 7:24 PM comment-delete