My personal experience on 'Budol-Budol' gang



This was supposed to be a birthday post pero naging nakakakaba for me. Share ko lang what happened earlier bago ako umalis ng bahayat pumunta for a meeting.

This is my very first time na naencounter ito at talagang hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang experience na ito.

Late na akong nagising ngayong birthday ko kaya hindi na ako nagluto. Naglakad na lang ako sa may kainan malapit sa RTU. Pagkatapos kumain, naglakad ako along Boni Avenue papunta ng Pharmacy nang may lumapit sa aking dalawang lalaki.

Lalaki1: Kilala kita.
Me: Sorry! Hindi ko po kayo kilala  (Sabay lakad papalayo sa kanila).

Pagdating ko sa Pharmacy, habang kinukuha 'yung pabirthday sa akin ni Mommy ko thru Smart Padala, muling lumapit sa akin ang dalawang lalaki na kanina pa pala nakasunod sa akin.

Lalaki2: Brad, bakit mo naman kami iniiwasan?
Me: Hindi ko po kasi kayo kilala.
Lalaki1: Pwede ba naming makita ang laman ng bulsa mo?
Me: Bakit naman e bulsa ko ito? At saka hindi ko kayo kilala.
Lalaki1: Kasi ikaw lang 'yung nakita ko nung nawala 'yung cellphone namin sa tindahan.
Me: (Inilabas ko ang S3 at coin purse sabay bigay sa mga nasa loob ng pharmacy para safe) 'Yan lang ang laman ng bulsa ko. Ano bang nawawala sa inyo?
Lalaki1: Black na cellphone.
Me: Ano bang unit?
Lalaki2: Ikaw lang ang nakita ng kasama namin sa loob ng tindahan namin nung mawala 'yung cellphone namin.
Me: So ano ngang unit? At saang store ba 'yan? Kung makapagturo kayo sa akin, parang sigurado kayong ako ang nagnakaw ah!
Lalaki2: Tandaan mo, kilala ka namin. May araw ka rin sa amin. Ninakaw mo ang phone namin kaya dapat ibalik mo 'yun.
Lalaki1: Ikaw ang nakita kong nagnakaw nun kaya mag-iingat ka. Tandaan mo kapag nagkita tayo (sabay alis ang dalawang lalaki).

Kabadong-kabado ako nang mga panahong 'yun. Inikot ko ang mata ko kung may makikitang police pero wala akong makita. Umuwi ako ng bahay na kabang-kaba. Ikinwento ko sa landlady namin tapos inadvise akong magreport sa Baranggay.

Sa baranggay, hindi lang pala ako ang nagreport ng parehas na kaso. Sumabay pa sa desk namin ang kwento ng Dugo-Dugo gang. Panahon na raw kasi ang kapaskuhan, panahon kung saan sumasabay sa pagsasaya ang mga masasamang-loob.


Share

3 comments:

Naku naku sir ingat po lagi.. Buti na lang at walang nakuha sayo.. pero syempre mas mabuti at walang nangyari sayo.. padami na ang ganito ngayon kasi nga magpapasko. Hahay. Lets always pray na lang talaga.

Happy Birthday!!!

December 7, 2012 at 9:48 AM comment-delete

na-imagine ko tuloy sir ano ginagawa ng mga lalake. grabe naman sila. alam kasi nila na mamahalin ng cellphone kaya pinag intirisan :(

December 7, 2012 at 10:04 AM comment-delete

Taena nila, bakt hnd n lng nla paghirapan sa tamang paraan kesa idaan s msma, nakakainis tlga sla

December 7, 2012 at 9:04 PM comment-delete