I Watched Spiderman 3 Again!

Nagmamadali akong pumasok sa school ngayon dahil may report pa ako sa Nutrition subject ko. Nagtaxi na ako dahil sobrang traffic at pagdating ko sa school, nakita ko sa may canteen iba kong classmates at sinabi sa aking wala kaming class.

So I decided na umuwi na lang although asar na asar kasi nagpakapagod ako just to be in school on time kasi nga may report pa ako. Pero that's it, i need to go home na para naman makapagpahinga pa ako.

Pero nakita ko sina Mark, Jessie (we call him Escort kasi escort siya sa section namin), and Vincent. Nagyaya sila na manood ng Spiderman 3 at ako naman ay sumama pa rin.

It's okey kahit na napanood ko na. At least, malinaw na sa akin 'yung iba pang details from Spiderman 3. Gusto ko rin kasing makipagbonding sa kanila kasi I am a new guy sa section nila. So, kahit sa ganitong paraan, nadadagdagan ang mga friends ko especially sa school.


Sa Robinson's Manila kami nanood sa Cinema 4. Ang lamig at ramdam na ramdam mo ang movie. Ang dami pa ring tao at biruin ninyo, sa 8 Cinemas na open, 7 Cinemas for Spiderman 3 and 1 for Ang Cute ng Ina Mo.

Tulad ko, natuwa rin sila sa ending ng Spiderman 3 at nag-agree sila sa aking unang post (Spiderman 3 : Grooviest Superhero Ever! ). Ako nakadalawa na, kayo?

Nag-trip ako at nagpatatak pa sa guard para may ebidensya ako na nanood ulit ako ng Spiderman 3.


Sa mga taong hindi nakakakilala sa akin, mahilig nga pala akong mang-trip. Kahit mga simpleng bagay. You'll love me for sure.

1 comments:

Whoa?! Pinanood mo ulit? Nyak! Haha! :D Buti ka pa naka-dalawa ka na! Ako hindi ko pa napapanood! :D

May 4, 2007 at 5:04 AM comment-delete