Why I sometimes hate Paluan

Sobrang pagod ako these days sa sobrang dami ng gawain, natapat pa na Midterm Exams na naman at talagang kailangang mag-review kasi nasa nursing proper na. Buti na lang at may mga taong nagyayaya sa aking lumabas at kahit papaano ay nakakarelax.

Actually, hindi ako makakauwi ng Mindoro this coming May 14, 2007 para makaboto man lang kasi Final Exams week na iyon. Nagkataon na may nagpuntang isang tao dito sa amin para mamigay ng pamasahe just to vote 'yung lalabang kandidato (for Mayor of course!). Di ba bawal ito?

'Yung pinsan ko nag-joke na sa kabila (lalabang Mayor din) raw ako boboto kaya hindi ko tinatanggap 'yung money na pamasahe pauwi sa amin. Actually, hindi ko tinanggap ang pera pamasahe for 2 (two) main reasons:

1. Hindi ako bayaran at mukhang pera. Akala siguro ng taong iyon ay mukhang pera na lahat ng tao na tatanggap sa pera niyang pamasahe back and forth. Kahit namimiss ko ang parents ko at ilang friends ko, may PRIDE pa rin ako at takot sa sarili kong multo.

2. I am still not sure kung makakauwi ako kasi nga Final Exams week namin 'yun at ayokong magkaroon ng low grades. Priority ko pa rin ang studies ko.

I sometimes hate Paluan sa pagiging pulitiko ng lahat ng tao dito. E ano ba kung ibang kandidato ang iboboto ko na malayo sa ibinoboto ng pamilya ko? Issue ba 'yun na iba ang pananaw ko sa kanila?

19 years old na ako ngayon, registered voter, at sure ako na mature na ako para sa ganitong issue. Open ako sa family ko na "I don't like the person na ibinoboto nila" at tanggap naman nila 'yun because opinion ko 'yun.

Naasar lang ako kagabi kasi nakausap ko ang Mommy at sinabi sa akin na galit daw ang Mayor, na kinausap daw ng Mayor ang Kuya ko dahil nalaman niya na hindi pala solido ang pamilya namin na boboto sa kanya. Ganun? Hindi pa ba siya natutuwa na may bumoboto pa sa kanya?

Actually, talagang asar na asar ako sa Mayor naming ito. For almost 10 years sa Paluan at mahigit pa, hindi man lang ako nakaranas ng malaking pagbabago. Yeah, I heard na nanalo ang pinagmamalaki naming Calawagan River as the Cleanest Inland Body of Water in the Philippines ay wala pa rin akong nakitang improvement man lang kahit nakatanggap ito ng ilang million as a prize.

Hindi ako nagwawala or whatsoever! Gusto ko lang ipaalam sa inyo ang himutok ko. Parang hindi ko nakayanan na nagalit sa akin ang parents ko dahil nalaman ng Mayor (incumbent) na hindi ako boboto sa kanya. So what? Sino ba siya?

I hate it! Asar na asar talaga ako.... Hayyy! Mga taga-Paluan bangon! Nag-iisip ako kung uuwi pa ba ako?

22 comments:

Yeah! Like here...

Lahat naman nakakarelate e! Just post all your opinions and don't be afraid. Tama lang yan... Just for them to know what the real score on you.

Dexter
May 2, 2007 at 11:57 PM comment-delete

Iho, okay lang yan. Hindi naman yung mayor niyo ang nagpapaaral sa'yo. Sana, mahawa ang pamilaya mo sa independence mo. Ayos yan, we need principled youth like you. Good luck on your exams.

May 3, 2007 at 6:23 AM comment-delete

hi tnx sa pagvisit sa blog ko

May 3, 2007 at 3:09 PM comment-delete

kilala kita bilang isa sa mga pinakamatino at pinakamabait na kabataan ng paluan. but we didn't have chance to spend enough time together para makita ko na hindi ka lang matino at mabait. with this blog, i think i got to know you better. you are one person of principle.

i sincerely admire you for this & i am so proud of you, macmac.

some people may think that i am saying this dahil natutuwa akong malaman that we are on the same side. coz i know i have been marked as one major antagonist of paluan administration. sa totoo lang, nagkakainit ako when i feel people expect me to do things because they are asumming "kanila" ako. i really hate that. i want to do things my way. & in my will. hindi dahil may nagsasabi sa akin. o dahil sa apelyido ko. you've seen me shouting on the streets during the past election..& that was merely because I MYSELF decided. it's a really great feeling having to act according to what you feel. & as you said..mahirap kalaban ang sariling multo.

sa totoo lang, pagkatapos ng nakaraang eleksyon, parang nawalan na ako ng pag-asa sa sitwasyong pulitikal ng paluan. sa eleksyon na ito? hindi ko alam. wala yata akong drive kasi unang-una, hndi naman ako makakaboto. pangalawa, wala naman akong magagawa dahil narito ako. pangatlo, ewan ko.. bahala na muna kayo diyan.

basta natutuwa ako dahil may mga kabataang tulad mo. sana lahat ng kabataan sa atin katulad mo. hindi ko sinasabing sana lahat maasar sa naka-upong mayor. kahit pa sino ang pinapanigan, ang mahalaga, mayroong matuwid na dahilan. hindi dahil 'yun ang sabi ng magulang o ng kung sino man. kundi dahil 'yun ang idinidikta ng sariling isipan.

mabuhay ka, macmac paglicawan! (",)

charmaine
May 4, 2007 at 1:46 AM comment-delete

i don't know you personally, and i guess you don't know me either but i think we've met once... we're batchmates! nabasa ko lang yung post mo sa friendster bulletin through ate charmaine and i also love to comment on that... please allow me to...
here's the story:
me kausap din ako kanina, actually just a little earlier, just before i log-on, wala sana syang balak umuwi ngayong summer sa paluan at wala din syang balak sanang bumoto.. nagulat na lang ako tumawag xa at ngtatanong kung uuwi daw ba ko, taz sabi ña nga uuwi sya.. tinanong ko,,"kala ko ba wala kang balak umuwi?" sagot ña, "e anjan na yung pera tatanggihan pa ba??!!!!" nagpadala ata ang Mayor ng pamasahe sa mga new registered voters.. pamasahe BACK AND FORTH!!!! kung ikaw nga naman,, tatanggihan mo pa nga naman ba yun!? natawa na lang ako... hindi ko talaga alam kung ano magiging reaction ko... to tell you honestly, i am not a registered voter.. if i am going to choose, i still want to register sana in paluan but my mom doesn't want me to. he didn't allow me to register there for some reasons that i don't even know... you may probably think na wala akong kwentang citizen but believe me i really want to vote, syempre sayang din ang isa kong boto noh! pero kung nakita ño lang kung gano kahirap magparegister dito, sasabihin ño di bale na lang.. by the way, im from quezon city(district2)...

owkei, to make this one short, masyado na ata akong maraming sinabi, maybe i'll end up with this na lang... asa pa tayong magbago ang sistema dun!!! sa hirap ng buhay, malamang sa malamang mas matindi ang paggalaw ng pera ngayon! naghuhumiyaw man ang mga sarili natin na gusto natin ng pagbabago, anong magagawa natin... anong magagawa ko!!! gusto ko mang magreklamo pero parang wala ata akong karapatan... i wasn't even registered registered there in the first place! ang karapatan ko na lang siguro eh magmalasakit sa nangyayari sa bayang yun... atleast ako, kahit sandali lang ng buhay ko ang inalagi ko dun eh masasabi kong concerned ako... at hindi magbabago yun sino man ang "nakaupo"... wag na nating pakialaman kung sino man ang nasa posisyon.. maybe the least we can do is to unite.. magkaisa para sa kaawa-awa nating bayan...

salamat sa blog na ito at kahit papano eh nalalaman natin ang saloobin ng bawat isa sa atin!

mabuhay ang mga mangyan!!! heheÜ
sa uulitin.... paalam!!

May 4, 2007 at 7:24 AM comment-delete

Para kay miggy

"naghuhumiyaw man ang mga sarili natin na gusto natin ng pagbabago, anong magagawa natin... anong magagawa ko!!! gusto ko mang magreklamo pero parang wala ata akong karapatan"

Meron kang magagawa; pero una kailangang magparehistro muna. Ang inaasam-asam na pagbabago sa ating bayan ay nag-uumpisa sa sarili, sa sariling pamilya; ang dulo nito ay pagbabago sa ating lipunan. Huwag maging "passive" sa mga isyung may kinalaman sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang iyong boses ay kailangang marinig; kasama na ang kay Richard. Para sa akin, aking tatanggapin ang pamasaheng iniaabot at aking iboboto ang kandidatong may magandang plataporma o programa para sa ikabubuti ng bayan. May mga batas tayong walang ibang hangad kundi sa ikabubuti ng lipunan; kaso minsan ang mga batas na ito ay may "side effects" kung baga sa gamot na kinakailangang rebisuhin(revised) para maging pulido.

Hala sige na, maging responsableng Pilipino.

May 4, 2007 at 11:30 AM comment-delete

nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagtuligsa sa ating mga kabataan na kesyo hindi na raw tayo ang pag-asa ng bayan, naririto tayo bilang mga buhay na halimbawa na may liwanag pa rin sa dako pa roon.

the fact na meron pa ring mga kabataang tulad natin na ganito ang takbo ng pag-iisip, hindi nawawala ang pag-asa.

kaya hindi dapat manghina ang loob natin at sabihing wala tayong magagawa. sa simpleng paraan na ito na paglalabas ng ating mga saloobin, mayroon na tayong kontribusyon. alam kong marami pang iba ang may hinaing na tulad natin. at kailangan lamang ng reinforcement para mailabas rin nila ang kanilang saloobin. kapag iisa na ang boses nating mga kabataan, maririnig na tayo ng dapat makarinig.

sabi ni miggy... "hindi magbabago sino man ang nakaupo".. hindi natin alam.. sa ngayon, maaari nga.. pero hindi rin siguro tamang panoorin na lang natin ang lahat.. at least sa ganitong paraan, naipapakita natin na meron tayong pakialam.

magbingi-bingihan man ang kinauukulan.. at least sa sarili natin, alam nating hindi tayo nagkulang. un sa palagay ko ang sinasabi ni macmac na sariling multo. maluwag ang loob natin kung alam nating may ginawa tayo at un ay ang nararapat.

anu't anuman ang mangyari, pagdating ng panahon, may mukha tayong ihaharap sa mga magiging anak at apo natin na may ginawa tayong paraan para maiba naman ang sitwasyong kanilang kamumulatan.

****
PALUAN YOUTH RULES!!!
****

cookie
May 4, 2007 at 11:45 AM comment-delete

Well done Mac mac, i admire a lot. ikaw ay isang bayani ng election 2007.
very simple deed but full of courage and principle!!! I salute you on that!
i should admit, na akala ko nawala na ng kinang ang mga modern na kabataan, but u prove me wrong!
i hope marami ang tumulad sayo, na di iniisip ang kapakanan lang ng pamilya, kundi ng buong bayan. gusto kong malaman mo na maraming sumusuporta sayo. wala ka man sa paluan ngayon, pero higit pa ang tulong na nagagawa mo para buhayin ang kalooban ng mga kabataan.
alam nating lahat kung gaano kabulok ang sistema sa ating bayan at mababgo lang natin ito kung tulong tulong tayong gagalaw.
kung minsan kailangan tayong nakakbata ang gumawa ng paraan para maunawaan ng mga nakakatanda ang nangyayari sa bayan natin.

walang magmamalasakit sa bayan natin kundi tayong na taga roon.

nanawagan ako sa lahat ng mga kabataan, boboto sa election, mag-isip kayong mabuti, DI SA YAMAN NASUSUKAT ANG KAGALINGAN NG TAONG MAGPATAKBO SA MUNISIPYO.

May 4, 2007 at 2:10 PM comment-delete

galing bata!!!isa din ako sa mga batang katulad mo na mapanuri sa mga bagay sa aking kapaligiran. i stay 2 yrs in paluan, i quit mukhang walang ngang pagbabago pero after nagkaroon ko ng pagkakataon muling bumalik nakita ko ang mga di mo nakita.mukhang nabulagan ka. ang sabi mong walang pagbabago,mahiya ka dahil paglabas mo sa bahay nu ang sementong tinutuntungan mo galing sa tinutuligsa mo. nakaligo ka ba sa pinakamalinis na batis ng calawagan, hindi mo lang maliliguan ngaun, ang bigas na ipinapadala ng mommy mo galing sa dalisay na patubig na ginagawa ng kuya mo, ku lang ang my irigasyon na tulad nun. kaagapay ng tinuligsa mo ang tatay at mommy mo kaya ka makakakuha ng final exam sa may 16.alam mo b un....hindi ka na makikipitas ng kamote sa kapit-bahay dahil pagpunta ng palengke di lang talbos ng kamote may bunga pa. pg uwi mo mamasyal ka hangang pamutusin,makikita mo ang mga tulay na bakal na ku lamang ang meron.di matu2lad ang bayan mo sa quezon,dahil sa tibay ng dike na pumoprotekta dun.abot na ang internet dun sa bayan mo at tini txt k din ng mommy mo. di b pgbbago un. ang sinisintang paaralan na pinanggalingan mo,tunay na ipagmamalaki mo sa ganda at tibay ng limbagan ng isip at guniguni para tuligsain ang sinasabi mong pulitikong kinaiinisan mo.top notcher in projects implementation ang kinaiinisan mo kaya b ng iba un...s palagy ko tama ang sabi mo. malaki ang epekto nito sa pamilya nu. good luck.. bata.. pakagaling ka.. c u...

Anonymous
May 7, 2007 at 1:30 AM comment-delete

Para kay anonymous:

that was interesting! but my next question is, YUN LANG???????? Sa labing dalawang taon n pinamalagi nila sa munisipyo, yun lang? wla n bang iba?

Kung msakit pra sa inyo n marinig ang katotohanan, then patunayan nyo sa amin na gagawin nyo tlga ang lahat ng ipinangangalandakan nyong plataporma, we are sick and tired of promises,promises..whew!

ang hinahanap nming kandidato? ung may prinsipyo, may dignidad at higit sa lahat may tunay na malasakit sa nasasakupan. pagod na kami sa pinuno ng byan na pumipili ng tinutulungan( sorry ka n lang pag di ka katiket, wla kang lugar sa munisipyo), Tama na!!!!

mangyan
May 7, 2007 at 9:45 PM comment-delete

SA'YO ANONYMOUS:

un na un? salamat ng marami sa matitinding DEVELOPMENTS na yan. ano pa kaya after 12 more years? napa-semento na ang daan mula lumangbayan hanggang marikit? 2 na ang swimming pool sa calawagan? 12 hours na ang kuryente? pasalamat na nga rin siguro na may napupunta sa bayan kahit papaano. gayundin kapag panahon ng eleksyon, kahit papaano, may natitikman ang mga kababayan natin na dahil sa hirap ng buhay, wala nang magawa kundi isakripisyo ang karapatan.

congratulations kung natutuwa ka na sa mga sinasabi mong ACCOMPLISHMENTS ng mayor mo.

siguro nga masaya ka na sa lahat ng iyan. bakit, isa ka sa iilang nakikinabang at nakikisawsaw sa kapangyarihan ng animo'y nagma-may-ari ng bayan?

PRO-PALUAN
May 8, 2007 at 7:31 AM comment-delete

para sa yo anonymous!

it seems like ikaw ang project coordinator, hahahha...i'm begging you, tulungan mo p silang mag isip ng mas maraming project pra sa bayan natin.

correct me, pero 15 years n pla silang naghahari harian sa paluan! isang hari n pumipili ng ngingitian, ng babatiin, ng pupunthang lamay ng patay. kesehodang kapitbahay ka, or kahit n nga tga munisipyo, pag di ka katiket,sorry ka!

un ba ang mayor n pinagmamalaki mo? kawawa ka nman. kung sa tingin mo, nabubulagan si macmac, then ikaw, isa kang BULAG, PIPI AT BINGI!!!!!!!!!i feel sorry for you!

mangyan
May 8, 2007 at 10:44 AM comment-delete

Para kay anonymous:

I think nabulagan ka rin.
Sa tingin mo sapat na yung mga sinabi mo na nagawa ng namumuno ngaun?Sa loob ng 12 yrs nyang pamumuno,yun lng ba ang kaya nyang gawin?

Really?Top notcher in projects?Eh san yun?Wala akong nakikita.Yung ipinagmamalaki nyo n irigasyon tapos na ba?Until when kaya yun.

Then yung calawagan,my nagbago b dun?Wala namn ah..Nanalo p yun nun ah and for your info po,talaga nman na malinis na yung tubig na dumadaloy dun ah.

Kelangan po namin yung mayor or mamumuno na may puso para sa bayan ng paluan at sa mga mamamayan ng Paluan.

Di namin kelangan ng namumuno na may pinipili kung sino ang tutulungan..Like what mangyan said sori ka kung di ka nila katiket..
Dah!........Kelangan nmin ng pagbabago ok!

Di namin kelangan ng namumuno na sumisipot lng every salary day.Ano kaya yun.Yun ba ung namumuno na my concern sa bayan.Pwede ba,pakidilat yung mata mo ok.Or baka nman isa ka sa mga nagtatamasa rin sa mga proyekto nya kaya ka ganyan.Am i ryt?
Tsk..Tsk..Tsk..Kawawa nman ang mga taga Paluan kung ganyan ang namumuno..Sana nga yung mga projects nya na cnasabi mo eh d lang sa papel nakasulat sana nakikita rin..

Anonymous
May 8, 2007 at 10:42 PM comment-delete

A Bit of Advise to Richard Lionheart. .

I am a Palueño and I am saddened to come across "Why I Sometimes Hate Paluan" in the friendster blogs.

Why? What is happening to all of the people out here during elections? Nagmumukhang pera ba ang lahat ng tao sa Paluan pag election? Pulitiko bang lahat ng tao dito? Ilang milyon ba ang prize ng Calawagan River noong nanalo bilang Cleanest Inland Body of Water in the Philippines? Bulag ka ba para hindi mo makita ang mga pagbabago sa Calawagan Mountain Resort? O mayroon kang blinders? Sayang, ang ganda pa naman ng picture mo sa Calawagan River.

It may really seem easy for you to believe that you live in your own world, with access to anything and everything that technology can provide. You are indeed very lucky that you are sheltered from the realities of your hometown. You asked: "Am I a looser now?” And you said: “ There’s always a choice.” This is a very true. So what are you waiting for? Why don’t you go home and vote for your chosen candidates? This is the essence of elections.

You are free to say anything and everything you want to say. But, a bit of advise: get your facts straight. Okay?

Anonymous
May 8, 2007 at 11:26 PM comment-delete

wherever...whenever...whatever... THE TRUTH HURTS!!! isn't it???

May 9, 2007 at 12:25 PM comment-delete

OMIGOD! MACMAC, KAKAIBA KA! PAGLICAWAN ka nga! hahahhaa....Pra sa isang simpleng blog, you've made them crazyyyyy?????? YOU MUST BE SOMETHING!!!hehhe

Nyways,i just realized na wla itong pinagkaiba sa kwento ni David and Goliath. Isang macmac lang pla ang makakapagpataranta sa kanila????

Seriously, know what mac, sana lahat ng kabataan ng paluan kagaya mo...ibang mag isip, may sariling prinsipyo! You should be proud of yourself! or should I say, your family should be proud of you...

Just make good on your studies, go abroad para makawala ka na sa bulok n sistema dyan! See you in Canada!hehehe

via
May 9, 2007 at 4:19 PM comment-delete

nice one.. im proud of you kuya macmac.. i know di pako botante kea anu ba naman ang pakelam ko diba? kaso,concern lang ako sa bayan natin.. nakakatuwang meron pang mga taong tulad mo na walang takot na open na ineexpress ang totoong nararamdaman nia.. ur such a hero.. hehe.. ngayon ko lang naopen ang blog moh,pero ilang araw na ang nakalipas ng marinig ko sa bestfriend ko ang balitang yan.. nagtext kanina ang tita ko sa nanay ko ng ibalita nia na totoo pala ang nabalitaan namin.. kala ko kc chismis lang.. at diko malaman kung ano magiging reaksyon ko sa sabi nyang.."di na din kc matiis ng mga kabataan ang ginagawa nila",nakakatuwa daw na meron pang mga taong tulad mo.. hay naku.. kelan nga kaya magbabago paluan.. daycare pa lang ako si mayor na nagbigay ng diploma ko..e nagyon,college nako..konting panahon na lang nurse nako.. pero ganun pa din ang paluan kada uuwi ako.. walang pagbabago! nakakauta.. kelan pa nga kea magigising ang mga tao sa bulok na sistema ng mahal natin na bayan ng PALUAN! kawawa naman tayo.. wag na tayo magpaloko.. dont just go with the flow..make some waves to make difference! kung ndi pa ngayon,kelan pa? pag wala ng maglalakas ng loob na lumaban???at hayaan na lamang na lugmok tayo sa kanilang pamamahala??? god!!!

Anonymous
May 10, 2007 at 2:27 AM comment-delete

Hi Richard, lam mo di na kita kilala kasi matagal na akong di umuuwi sa Paluan but when I heard your Blog, nag visit ako agad. Alam mo totoo ka jan kasi wala naman talagang nangyayari sa bayan natin kung palaging ganyan ang sistema. Sana magising na ang mga kababayan natin. Tinawagan nga ako ng pinsan ko kung magpapalista daw ako para sa libre pamasahe, sabi ko ayaw ko kasi mahal ang boto ko at hindi kayang bilhin.

I hope magkaisa ang mga kabataan ng Paluan para magkaroon ng pagbabago ang sistema ng pamamalakad sa ating bayan....... Good luck to all of us!!!!

ANNIE
May 10, 2007 at 5:37 PM comment-delete

MACMAC,
there is nothing wrong with airing or expressing what you feel in this coming election. it is one way of exhibiting your FREEDOM! We have to admit that the political system in our country is so disgusting and frustrating.
Sana, your parents respect your freedom to vote, which, halos, nawawala na sa ating mga kababayan due to rampant vote buying. we cant blame din naman the "VOTE SELLERS" kasi yan is due to poverty, kailangan nila ang pera, kumbaga, they are taking advantage of the situation. Hay naku, i advice you to follow what your conscience dictates you !

Anonymous
May 11, 2007 at 2:09 AM comment-delete

From Anonymous to Richard

"It may really seem easy for you to believe that you live in your own world, with access to anything and everything that technology can provide. You are indeed very lucky that you are sheltered from the realities of your hometown. You asked: "Am I a looser now?” And you said: “ There’s always a choice.” This is a very true. So what are you waiting for? Why don’t you go home and vote for your chosen candidates? This is the essence of elections."

Amen! 'Di na kailangang dagdagan...hala sige na, bumoto sa darating na halalan at maging wa-is sa pagpili ng kandidato. :o

May 11, 2007 at 9:30 AM comment-delete

whew!

hi guys, may nagtext lang po sakin..regarding sa politics natin sa mindoro.

please watch imbestigador 930pm tomorrow.lakbay-boto daw ang title ng segment

mangyan of OCc. Mindoro during the election.

im excited to see kung anong scoop nila about sa walang kwentang pulitika sa Occ. mindoro.

nood kayo ha..


*hint*
Don't you know, na ung mga mangyan sa paluan eh kinukulong sa kanya-kanyang camp,para pagdating ng election eh name nila ung iboboto? Hahakutin nila lahat ng mangyan para sa kanilang pansariling interes, most especially ung mga walang pinag-aralan.PAno nga namn kung hindi sila marunong bumasa at sumulat...deprived na rin ba sila sa right nila to vote kung sino ang gusto nilang iboto? ahh basta, kwawa ang mga katutubo pagdating sa ganitong panahon, ginagamit lng sila ng mga may pera at nasa posisyon..pinagsasamantalahan sila...pano mo iboboto ung ganung klaseng tao? pano mo tatawaging maka-tao sha? kung hindi sha marunong kumilala ng karapatan ng iba..

*sad*

bearberry20
May 18, 2007 at 10:53 AM comment-delete

para kay anonymous....
magpakilala ka naman!

"i stay 2 yrs in paluan, i quit mukhang walang ngang pagbabago pero after nagkaroon ko ng pagkakataon muling bumalik nakita ko ang mga di mo nakita.mukhang nabulagan ka"

ikaw na rin ang nagsabi, 2yrs ka lang nagstay dun... hindi mo naranasan ang mamalagi dun ng matagal na panahon... aaminin ko, may punto ka sa mga sinabi mo, oo may pagbabago, nakita ko rin yun... pro sa loob ng napakaraming taon,sa tingin ko hindi enough yung mga nakikita naming changes para sabihing ok na, me nagawa na... nasubukan mo na bang kumausap ng mga indigent, less fortunate people... whatever you may call them... pero para sa mga naghihirap hindi talaga sapat yun... pero alam ko na hindi naman din talaga dapat isisi lahat sa politiko ang paghihirap ng mga mamamayan dahil nasa kanila na rin yun kung gusto talaga nilang umasenso... kaya lang sobrang kulang kasi talaga sa opportunities dagdagan pa ng mga abusadong politiko (hindi ko naman nilalahat...) pero kung matatawag na nating malaking accomplishment kung ano man meron ang paluan ngayon... ang babaw naman po natin... dahil sa loob ng mahabang panahon, para sa kapirasong tinapay lang masaya na ba tayo nun???!!!

miggy
May 31, 2007 at 9:42 PM comment-delete