Injection Fever : My First Time!

Off topic muna tayo sa mga problems na iyan! Iba na muna ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Kahit ano pa ang mangyari ay dapat tuloy pa rin ang buhay ko!

Kakapagod ang araw ko kahapon. Ngalay pa sa katatayo at kakatingin sa mga nagdedemo sa school. It's my first time kasi na mag-injection.



Natatakot nga ang partner ko (Eli) na kapartner ko sa injection. (Hehe!) First time ko lang kasi unlike sa kanya na nagawa na niya 'yun sa Health Care 1. Sabi ng C.I. ko before ako mag-injection, ano raw sasabihin ko sa patient ko (Eli) para hindi matakot? Natawa ako nang sabihin kong, "Eli, wag kang mag-alala, first time ko ito...". Nagkatawanan kami kasi joke ko lang 'yun! Natatawa na lang ako sa mga nagiging reactions niya.

Ako naman ang ginamit ni Eli para sa return demo niya at ako ang in injectionan... Hehe! Hindi ako masyadong sanay kaya muntikan na akong mapasigaw sa sakit sa ID, skin testing. Huh! Ang sakit!
Kagabi, feeling ko ay nilalagnat ako at ang sakit ng katawan ko sa dami ng ginawa ko ngayon. Feeling ko kaya ako nilalagnat ay dahil sa injection. Hehe...

This week ay puro return demo na kami from handwashing, vital signs hanggang sa oxygenation. Oxygenation na lamang ang kulang ko ngayon pero hindi pa rin ako makapagreturn demo kasi may section pa na nag-ooccupy ng Funda Lab.

So, until now ay basa pa rin ako ng basa para naman at least may ma perfect ako. Nagbabasa na rin lang ako para at least makalimutan ko ang tension sa family ko at sa ibang tao. Medyo mahirap pa rin sa kalooban pero kailangang tanggapin. Live life... Love life...

7 comments:

Sa mga taga-Paluan na nag aabang ng mga next posts ko, hintay hintay lang kayo... Wag kayong magmadali!

Syempre kailangan ko pa ring unahin ang mga posts na mga priorities ko...

If walang nagreact ng sobrang violent naman talaga sa naunang posts ko ay hindi ko na susundan 'yun... Pero malaki ang naging epekto noon sa buhay ko e...

Pero these are the latest happenings sa school ko at mga ginagawa namin... hehe !

May 8, 2007 at 4:04 AM comment-delete

Meron talaga akong anxiety over injections, pinakamasakit is yung skin test, i hate it.

Marco
May 8, 2007 at 7:32 AM comment-delete

Haha nakakatuwa naman. Mukhang nakakakaba nga mang-injection! I assume na nursing student ka?

May 8, 2007 at 9:55 PM comment-delete

waahahah! naalaal ko 2loy klasmyt ko nung elem na takot sa injection. Lumabas na umiiyak ng gate at aun di 2loy naijectionana. Ang yabang pa niya noong una! Sabi niya wala raw kasakit-sakit tas aun tatakbo at paiyak-iyak pa! Taena!

May 8, 2007 at 10:58 PM comment-delete

oops, another nurse is here! hahah.. san ka nagaaral? ^^ well i guess nursing din course mo. Anywei, I dont have any fear in injection kc sakitin akong tao, labas pasok ako sa ospital *lolz* ako, nung unang return demo ko, I admit na mali nung una kong return demo (not to the extent na sobrang mali, na nakakamatay na), nasaktan ko lng naman ung partner ko haha pero that's ok with her and with me as well, not everybody starts perfectly.^^

May 8, 2007 at 11:01 PM comment-delete

Opo... Nursing satudent din ako... 3rd year na ako ngayong summer...

N100 at Nutrition ang subjects ko ngayon... I am a regular student...

May 9, 2007 at 4:16 AM comment-delete

pasensya na kung ngayun lang nakadalaw ulit...

nursing student? aah, parehas tayo. masakit talaga ng intradermal!! nung 2nd year kami nag return demo dun... buti pa yung IM parang wala lang. yung ID naman mahapdi talaga, tas nakaramdam pa nga ako ng chills nun eh, sobrang hapdi kasi eh, as in..!

May 9, 2007 at 7:23 AM comment-delete