Mainit, Malaki at Nakakagalit talaga!

Wala ako sa Pilipinas (nasa Dubai po ako) pero ramdam na ramdam ko ang init sa dami ng balitang nasasagap ko dito. Ang dami ng gulong kalat na kalat sa social networking sites. Share dito, retweet diyan, reblog dito, at kung anu-ano pa diyan... Minsan nga, naguguluhan na ako sa mga nangyayari, at dahil sa walang magawa, pinapanood ko na ang mga news ng lahat ng channel sa Pilipinas unlike noong nasa Pinas pa ako na kahit sulyap sa TV ay hindi ko magawa.

Buti na lang at may TV rito at internet at kahit papaano ay updated pa rin ako sa mga latest happenings diyan.


Mainit.

Una na ang nangyaring gulo sa muling pagtatagpo nina Albie Casino at Andi Eigenmann. Muling nagpang-abot daw ang ex-lovers sa isang bar sa Makati at nabugbog pagkatapos noon si Albie dahilan para magkaroon siya ng galos at pasa sa katawan.


Isa pa, ang nangyaring gulo sa NAIA Terminal 3 kung saan sangkot ang mag-asawang Claudine Barreto at Raymart Santiago laban kay Ramon "Mon" Tulfo. Pinagmulan ng away diumano ang pagkuha ng video ni Mon Tulfo sa tumatangging mag-asawa dahilan para magkasapakan sila sa airport.

Pangatlo, ang mga nakikisabay sa init ng awayan sina, Amalia Fuentes na finally ay nagsampa na ng kaso kaban kay Ruffa Gutierrez. Pati na rin ang sapakan ng mga karakter nina Joem Bascon at Coco Martin sa "Walang Hanggan." Sumasabay pa ang mga teen housemates ni Big Brother! Ang init nga sa Pinas! Kaya naman ang iinit ng ulo ng tao diyan!

Malaki.


Masyado raw napakalapit talaga ng moon sa earth noong sabado (May 6) kaya naman malaki ang tanaw nito sa mundo kaya tinawag itong "Supermoon." Paniwala ng ibang matatanda, malaki ang epekto nito sa pag-uugali at temper ng mga tao kaya may ibang nag-uugnay nito sa kaliwa't kanang insidente ng pag-aamok o pakikipag-away.

Malaki rin ang epekto nito sa karagatan. Inaasahang tumaas din ng isa o dalawang sentimetro ang tubig sa dagat dahil sa supermoon pero kayang-kaya ng gravity ng earth na balansehin ito kaya halos hindi rin ito mapapansin. At mukhang hindi rin ito napansin dahil karamihan a nakatingin sa taas at nagmamasid ng "Supermoon."

Nakakagalit talaga!

Ang sa madaling sabi, si "Supermoon" ang sinisi ng ilan kung bakit ang iinit ng ulo ngayon ng mga tao. Dagdag pa ang lalong umiiinit na temperatura sa bansa. Pero kung tutuusin, mas mainit pa rin dito sa Middle East na umaabot na (ngayon pa lang nagsisimula ang Summer) sa halos 40 °C at tataas pa 'yan sa mga susunod na buwan.

At dahil dumating si "Supermoon" sa eksena, siya na ang nasisi! Si "Supermoon!" Si "Supermoon!" Si "Supermoon!" Si "Supermoon"na walang malay! Si "Supermoon" walang ginawa kundi magshow-off sa kalangitan... 

Sa mga nangyaring gulo ngayong weekend, hindi nakakatuwang si "Supermoon" ang sisihin o 'di kaya'y ang mainit na panahon. Nangyari ang mga 'yun dahil ginusto nilang magkagulo-gulo ang mga buhay nila. Oo, nakakadagdag ng init ng ulo at nakakadala talaga ang init ng panahon.

Sa panahon ngayong kahit na sino ay pwedeng kumuha ng litrato at video lalo na sa kanilang mga kinikilala sa lipunan lalung-lalo na sa isang pampublikong lugar, umasta ng ayon sa nararapat. Hindi naman ako PRO ni Mon Tulfo o Claudine dahil hindi naman ako masyadong fanatic ng dalawa, pero kung sana'y inuna ang magandang pakiusapan, hindi mangyayari ang ganito.

Isa pang nakakagalit, ang isama ang isyu na ito sa network war. Unang-una, wala sa network ang pag-uugali ng tao, nasa tao mismo ito. At para naman sa nagmamalinis, lahat tayo ay may kanya-kanyang kagaspangan. At normal ang pagrereklamo lalo na 'yung tungkol sa maduduming serbisyo na nakukuha mo.

Nakakagalit nga talaga! Trending topic pa! Hayyy!

0 comments: