Isang araw na puno ng kumustahan at hagikhikan sa "Haguhan sa Dubai"


Hindi engrande ang preparasyon pero naging masaya ang kauna-unahan kong pagdalo ng "Haguhan sa Dubai" ng mga Mangyan (collective term para sa aming ga taga-Mindoro, particularly ng mga taga-Paluan).


Ginanap ito sa Al Mamzar Beach sa Dubai kung saan halos umabot sa tatlumpu ang bilang ng mga dumalong Mangyan. Nagkulitan, nagkamustahan, ang naging paksa ay halos tungkol sa aming bayan ng Paluan. May magandang balita at meron din namang hindi.


Pagkatapos ng kainan at kumustan, naglaro naman ang dumalo ala-Pinoy Henyo (ng "Eat Bulaga") na tinawag na "Paluan Henyo." Ang mga huhulaang mga bagay, lugar, pagkain, pangyayari o kaya tao ay may kinalaman sa aming bayan ng Paluan.


Isang hindi malilimutang araw sa lahat. Isang araw na puno ng kumustahan at hagikhikan. Isang araw na siguradong mauulit!

Share

3 comments:

kaya pala hindi ko nadamang may pagka-homesick ka man lang kahit onte dahil marami ka palang kaibigan/kapuso/kapamilya sa dubai!!

May 17, 2012 at 10:41 PM comment-delete

mabute na lamang at merong mga groups na nageexist para sa mga kapwa OFWs..., at least kahit papanu, you feel at home just being with people whom you belong in the same race :)

May 18, 2012 at 7:00 AM comment-delete

para ka na ring nasa Pinas kasi madami din ikaw kaibigan diyan..

May 19, 2012 at 11:59 PM comment-delete