Kilalanin si "Super Sawsaw"



Nakaencounter na ba kayo ng taong sa lahat ng umpukan at mga usapin ay may alam siya? Ang tawag diyan, 'sawsawero' o 'sawsawera' naman sa mga babae. Nakakainis sila 'di ba? Pero paano pa kaya 'yung "Super Sawsaw?" Kung ang normal na 'sawsawero' at 'sawsawera' ay matotolerate mo pa, ito naman ay hindi na... Para sa akin, sila ang mga taong, nakikisali na nga lang, sila pa ang nagpapabida!

Kahit saan naman meron niyan... Normal na nakakasalamuha natin madalas ang mga taong ganyan. Ang iba nakakaharap natin saan mang lugar tayo magpunta o dili kaya'y sa internet kung saan ang daming mga kakaibang mga ugali. Ang iba nga, makapagpost lang sa mga social networking sites tulad ng Facebook at Twitter masabi lang na tumetrending sila. Umiisteytment ng hindi naman kailangan ang kanilang mga kuro-kuro at kung makaisteytment naman ay para namang alam nila ang lahat...

May ilan namang halos mangaral sa mga isyung pumapaloob sa lipunan o 'di kaya'y isyu sa mga kapwa bloggers. Nakakatawa lang, kung kilala mo ang taong 'yun, masasabihan mo siyang "practice what you preach" dahil may mga tao talagang hanggang salita lamang... Ang galing mangaral sa kapwa kahit na alam naman sa sariling hindi rin naman niya ginagawa ang mga ganun.

Kahit anong antas ng lipunan ka nabibilang, merong "Super Sawsaw." May mga obvious at mayroon din namang kailangan mo pang kilatisin para malaman ang totoo.

Protesta rito. Rally doon. 'Yan ang balitang nasasagap ko sa mga news dito sa Dubai galing sa Pilipinas. Mula sa mga demolisyon sa mga illegal settlers, ang pag-angkin ng China sa Scarborough Shoal at ang pinakalatest, ang rally ng iba't-ibang grupo sa 2-night-concert ni Lady Gaga sa bubuksang SM Arena. Sa Pilipinas lang talaga ako nakabalita na halos-araw-araw ay may balitang protesta o 'di kaya'y rally. Lalo na't sikat ang topic, mas maraming 'sawsaw.' Kabi-kabila ang mga pictures, kodakan dito, kodakan diyan... May masabi lang na kasama sila.

Hayyyy.... ang iba, alam na nilang "Super Sawsaw" sila, ang iba manhid ang iba sanay na. Hayyy buhay!

Share

14 comments:

kaya di ako nanonood ng tv dito eh ayokong makasagap ng mga balita sa mga sawsawero't sawsawera! di ako in sa kanila! hehehe

May 23, 2012 at 4:32 AM comment-delete

marami tlagang ganyan nagkalat... hahah

May 23, 2012 at 5:27 AM comment-delete

kahit saan mayroon diyan...di mapigil ang hindi mag react..

May 23, 2012 at 6:35 PM comment-delete

hahah. nakarelate ako sa inis mo! ^_^ ang mahirap pa dyan sa mga super "S" mahirap silang paliwanagan sila pa yung mga sarado ang isip! kung ano paniwalaan nila yun na! awwts!!

BON
May 23, 2012 at 7:30 PM comment-delete

boom... yun o.. minsan ako yan eh.. hahaha

May 23, 2012 at 11:44 PM comment-delete

ako man eh naiirita rin sa kanila, haha feeling magaling kase,

:))

May 25, 2012 at 5:02 AM comment-delete

hala, feeling ko palasawsaw din ang mga blogger tulad ko, kasi we hop from 1 blog to another tapos magko-comment, na parang umeepal hehe :)

May 26, 2012 at 12:47 AM comment-delete

iya_khin, bagotilyo, arvin, bon, T.R.Aurelius - Salamat sa pagcomment at pagbisita :) Promise! Lagi na akong magagala...

KikomaxXx, may mga times na sumasawsaw tayo sa issue... Normal lang 'yun kasi minsan ganun ako. Pero iba pa rin talaga kapag "Super Sawsaw" na kasi hindi mo na matolerate pa...

McRICH, iba naman 'yun. Friendly lang tawag dun lalo na't nagcocomment sa mga blogs. Mas matutuwa pa ang blogger niyan...

May 26, 2012 at 11:21 AM comment-delete

dumadami na sila actually. haha

May 26, 2012 at 9:52 PM comment-delete

naku, nakakainis yang ganyan.. SILA na magaling!

kim
May 27, 2012 at 6:08 PM comment-delete

nice one! super sawsaw, maski sa mga buhay natin merong mga ganitong klaseng nilalang! hahaha! :D

May 29, 2012 at 5:40 AM comment-delete

Haha! Nakakatawa pero alam mo totoo. May mga ganun talaga. Kainis lang sila minsan kasi somusobra na at wala na sa lugar!

May 29, 2012 at 6:58 AM comment-delete

Gusto lang sumama sometimes sumama sa issue. Ganun yata tlg.... Concern daw? LOL!

June 3, 2012 at 4:47 AM comment-delete

naku, nakakainis yang ganyan.. SILA na magaling!

November 11, 2012 at 1:13 PM comment-delete