Blogging is where my heart is...

Dati, inaakala ng marami na ang mga artista o sa mga kilalang tao lang ang nagbablog. Sila kasi ang may huge followers na talaga namang kahit na hindi ganun kainteresanteng topic, siguradong uulanin ng comments ng mga fans. Lahat tayo ay pwedeng mag blog, hindi naman kailangang magaling kang mag ingles o magaling kang magsalita o magkwento.


E bakit ba talaga ako nagsstay ng ganito na katagal sa blogging world? Ano bang meron at hindi ko ito maiwan? Dalawa sa mga malalaking dahilan kung bakit ako nag-eenjoy sa blogging world : Dito ko naeexpress ang mga gusto kong sabihin nang walang nasasaktang tao, at dito ko rin nakilala ang mga totoong naging kaibigan ko at ang iba, nagpatibok ng puso ko.
  1. Wala lang, trip ko lang...
  2. Wala akong masabihan ng feelings ko... I-blog na lang, may nakakabasa pa (at possible may makarelate)
  3. Another way of socializing with other people in this planet.
  4. I think keeping a blog is a hundred times fun than keeping a manual diary (tamad kasi akong magsulat)
Muli akong nagblog-hopping noong isang araw, marami akong napansin. Dumadot-com na sila... At nag-increase ang mga PRs nila samantalang sa akin ay nabawasan. Nainggit mode lang. Haha!

Hindi baleng sabihin nila na ang konri naman nito at parang nobela naman sulat ko, ang mahalaga ay ako ito at buhay at mga kwento ko ang mga isinusulat ko, first hand, at hindi sabi-sabi lang. Para sa akin ang blog ko ang pinaka magandang taguan ng nilalaman ng aking utak at puso. Ito ang pwede kong paglagakan ng mga masasaya at malulungkot na nagyari sa aking araw -araw na pamumuhay.

Dadating ang panahon at maaaring hindi na ako makapag sulat, tatanda na ako at lilipas ang mga alaala ko. Pero ang blog ko ay mananatili...

Share

2 comments:

I started my blogspot sa tagalog post, hehehe. Pero yung sau, wow talagang kinareer and pagtagalog! love it!

May 29, 2012 at 5:51 AM comment-delete

@Tessa Tuates, I have 5-all English blogs... may mga niche... So ginawa kong ang personal blog ko ang all-tagalog sa lahat ng blogs ko para freestyle writing talaga... Personal na personal :)

May 29, 2012 at 8:04 AM comment-delete