Ilaw...

Madilim ang mundo kung walang ilaw. Hindi mo makikita kung gaano kaganda ang mundo sa madilim. Ang ilaw ang nagsisilbing gabay para makita natin ang totoong mundo. Ang ilaw na parang ating mga ina, na s'yang tanglaw sa bawat tahanan simula pa noong sumilang tayo sa mundo hanggang ngayon...


Ngayong darating na Linggo, magdiriwang ang buong mundo ng Mother's Day. Araw kung kailan ginugunita natin ang kadakilaan ng ating mga ina at pagpupugay sa walang katumbas na pagmamahal na ibinigay nila simula pa noong nagdalang tao sila hanggang sa tayo ay lumaki.

Ang ating mga ina ang sinasabing "ilaw ng tahanan," kaya hangga’t may natitira pang liwanag, kahit na kakaunting sinag, patuloy silang magsisilbing liwanag. Ang ating mga ina ay sumasagisag rin ng pag-aaruga, pagmamahal na walang maliw at pag-gabay tungo sa liwanag ng buhay. Bilang "ilaw ng tahanan", ang ina ang gumagabay sa anak para maging matuwid ang landas.

Para maiba naman ang Mother's Day entry ko ngayong, nagtanong ako sa ilang kilalang celebrities at mga bloggers tungkol sa kung gaano nila kamahal ang kanilang mga ina at ano-ano ang mga bagay na nagawa or gagawin nila nang sa gayon ay matumbasan kahit paano ang pagmamahal na walang pag-iimbot na ibinigay sa kanila.

Naririto ang mga sagot nila:




Rocco Nacino
Actor - Dancer
(http://twitter.com/nacinorocco)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- A lot of course, isa siya sa mga inspirasyon ko kaya lahat gagawin ko para sa kanya. At sa kanya ko nakukuha ung drive ko at determination.. Idol ko yan... :)

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- Pagiging isang mabuting anak sa kanya, masaya na sya dun.. At tumutulong ako sa education ng kapatid ko... Kahit papano nakakatulong ako sa kanila. Naaappreciate nya ung ganong bagay. Tsaka 'di ako ngbabago. 'Yun lang bilin n'ya sakin lagi. :)

Julian Trono
Actor - Dancer
(http://twitter.com/IamJulianT)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- I love my mom so much... I think i love her more than my life. :)

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- Simplest: I do household chores 'pag walang taping and take care of my 2 li'l sis... Hardest: When I stop courting someone for her.. :) Hahah!

Joyce Ching
Actress
(http://twitter.com/ChingJoyce)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- Super super super love as in sagad na sagad. Unexplainable and indescribable ang love ko po kay mommy. :)

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- Simplest and hardest po yung pagsunod sa mga rules and mga gusto niya po. :)

Ella Cruz
Actress
(http://twitter.com/ItsEllaCruz)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- Mahal na mahal ko po ang mommy ko dahil s'ya po ang tumulong sa pag-abot ng mga pangarap ko po at hindi n'ya po kami pinabayaan.

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- Ginagawa ko po ang lahat ng bagay para maging proud po s'ya sa akin at para rin po maipakita ko sa kanya ang pagmamahal ko po sa kanya, nag-aaral po ako ng mabuti at nagtatrabaho.

Miguel Escueta
Singer/Composer - Endorser
(http://twitter.com/MiguelEscueta)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- I love my mom with every ounce of my being. All that she has done for me, my siblings, my dad, our family.. Can never be repaid in full.

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- I just try to show her how much I appreciate her by making her "lambing" often and spending as much quality time with her as I can. I also try to have sincere conversations wth her & make an effort to always make her a part of the things I go through and what I aspire for

John Michael Bueno
Blogger
(http://kumagcow.com)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- More than my life.

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- I'd kill for her


Rod Magaru
Blogger
(http://rodmagaru.com)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- I may not do the same sacrifices she did to me, but I promise to serve, respect and love her until the rest of our lives.

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- I won't give him reason to be sad or dissapointed. And will continue to be as living proof of her motherhood. Will give her all her wishes on her birthday, no matter what that is.

Richard Mamuyac
Blogger
(www.mapanghingikaba.blogspot.com)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- Mahal na mahal ko si NANAY... Noon At Ngayon At Years to come!

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- Para sa akin ay imposibleng matumbasan ang mga ginawa sa akin ni nanay. Ang pinakamaganda sigurong magagawa ko para maipakita sa kanya na nagbunga ang maayos na pagpapalaki niya sa akin ay ang maging mabuting magulang din sa aking anak. happy mothers day sa mga nanay natin tukayo!

Flow Galindez
Blogger
(http://angsawariko.com)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- In terms of loving my move, Indi mo sya maeexplain and ma-measure dahil it's more that your life kasi tulad ng pagbigay niya ng buhay sa iyo

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- It's not about how simple or big in showing your love but it's more on how we appreciate and respect her that's the only thing you can give to your mother aside from material things.


Sino nga naman sa atin ang hindi nakakaalam ng kadakilaan ng isang ina?
Mula pagkabata ay damang-dama na natin ang pag-aaruga at pagbibigay-halaga sa natatanging regalo ng Diyos sa anila - tayong mga anak.

At para sa kanilang kaarawan ngayong ikalawang Linggo ng Mayo, Happy Mother's Day sa lahat ng mga ina! Kayo ang bayani ng bawat pamilya!

Share

1 comments:

Hi, happy mother's day to your mom ka-mangyan. San ka sa mindoro?

~TPW

Anonymous
May 12, 2012 at 8:26 PM comment-delete